Kabanata 17
“Mama… Papa… Charlie! I have great news!” masayang sigaw ni Lance.
Gusto siyang pigilan ni Klaire dahil nahihiya siya, pero kitang–kita ang tuwa sa mukha ni Lance. Sa huli, sumunod na lang siya rito habang hinahanap nito ang buong pamilya.
Si Charlie na nakarinig ng sigaw ay agad na bumaba mula sa second floor ng kanilang bahay. 1
“Ano’ng nangyari? Nasa meeting sina Papa at Mama.”
Tumakbo si Lance at niyakap ang kapatid, halos maiangat na niya ito sa sobrang saya.
“Magiging sister–in–law mo na si Klaire, Cha!” malakas na sabi nito.
“Really?” Lumingon si Charlie kay Klaire na napapangiti. Hinila pa nito ang buhok ng kapatid. “Pero bakit ang saya–saya mo? Akala ko ba sabi mo dati si Klaire ay isang—‘
“1
Mabilis na tinakpan ni Lance ang bibig ng kapatid. Naalala niyang minsan niyang sinabing uhuging bata lang si Klaire at hindi siya interesado rito.
Siyempre, sinabi lang niya iyon para mapanatag si Charlie, na lagi siyang binabalaan noon na huwag lapitan kay Klaire.
“Sabihin mo agad kay Mama at Papa na umuwi. Kailangan nating pagplanuhan ang kasal namin ni Klaire bago lumaki ang tiyan niya,” ani Lance sa kapatid. “Maliligo muna ako. Ikaw rin, Klaire. Huwag masyadong magtagal sa shower, baka ginawin ang baby natin kahit gumamit ka ng hot shower,” bilin na niya habang paakyat na.
‘Baby natin…‘ Napangiti si Klaire sa salitang iyon.
Tama nga ang desisyon niya. Magiging mabuting ama si Lance sa kanyang anak. At kahit hindi niya sinasabi kung sino ang tunay na ama, wala itong ni isang reklamo.
Masayang–masaya rin si Charlie na niyakap si Klaire at sinundan pa ito hanggang sa kwarto. Naghintay pa talaga ang kaibigan niya hanggang sa matapos siyang maligo.
Hindi din nagtagal, dumating na sina Jaime at Emily. Agad silang pinaupo nina Lance at Charlie sa sala kung saan naghihintay na si Klaire at halatang kinakabahan.
“Kakauwi lang namin, ano’ng nangyari?” tanong ni Jaime.
“Nagdesisyon na po kaming magpakasal ni Klaire, Papa, Mama,” simula ni Lance.
Napangiti si Emily at umupo sa tabi ni Klaire para yakapin ito. Tumulo ang luha sa pisngi ng halos limampung taong gulang na ginang na mukhang tatlumpu lang.
“Mabuti naman at pumayag ka na, hija. Gusto niyo na bang magpakasal next week? Di ba’t mas maaga, mas mabuti,” suhestiyon pa ni Emily. (1)
Nanlaki ang mga mata ni Klaire sa narinig. Isang linggo? Masyadong maaga ‘yon! Kailangan pa niyang ihanda ang sarili at puso para hindi madismaya si Lance sa kanya pagkatapos ng kasal.
1/2
Kabanata 17
+25 BONUS
“Hindi ba masyadong matagal ang isang linggo? Paano kung sa loob ng tatlong araw na lang? Kailangan din nating isipin ang tiyan ni Klaire,” sagot naman ni Lance.
Nagdebate pa sina Emily at Lance tungkol sa petsa ng kasal. Samantala, tahimik na nakatitig si Klaire kay Jaime na mukhang malalim ang iniisip.
Hindi ba sang–ayon ang Tito Jaime niya sa desisyon nila ni Lance?
Agad na nawala ang pagkabahala ni Klaire nang magsalita ito para aregluhin ang away ng asawa at anak. “Mas mabuting mag–civil wedding na kayo bukas ng hapon. And then, we can plan the outdoor wedding later on. Ano sa tingin mo, Klaire? Ayos lang naman sa iyo, di ba?”
“Bukas ng hapon po?!” sabay na gulat na sambit nina Klaire at Charlie.
“Wala na tayong oras para mag–isip pa,” anang Jaime at saka tumikhim. “I mean… tama si Lance… kailangan nating isipin ang tiyan mo, hija It will get bigger in just a blink of an eye.” 1
Hindi… masyadong maaga ang bukas! Hindi pa ganap na handa ang puso ni Klaire para ikasal. Ngunit hindi rin niya matatanggihan ang suhestiyon ng Tito Jaime niya na mukhang seryosong–seryoso.
‘Anong nangyayari kay Tito Jaime? Dati naman, palaging relax lang ito. Bakit parang nagmamadali siyang ikasal kami ni Lance?‘ tanong ni Klaire sa sarili.
‘Ah… sabi nga ng doktor, mas sensitive ang mga buntis… baka imagination ko lang ito,‘ dagdag niya sa isip. 1
“What do you think, Klaire?” muling tanong ni Jaime.
Nakatutok na ang lahat ng atensyon sa kanya. Ang tatlong pares ng mata ay sabik na naghihintay sa kanyang sagot.
Tumango na lang si Klaire bilang pagsang–ayon, at ibinaba ang ulo para itago ang pamumula ng mukha.
“Then I’ll pick you up during your break time tomorrow afternoon, Klaire,” sabi ni Lance.
212
Kabanata 18
Kabanata 18

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)