Kabanata 46
Muling nagtagpo ang kanilang mga labi sa isang masidhi at mas marubdob na halik kaysa sa una. Muli niyang pinag–isa ang katawan nila hanggang sa pagpawisan silang dalawa.
Tila ba nawala sila sa sarili sa mas matinding laro ng pag–ibig. Hanggang sa marating muli ni Klaire rurok ng pagnanasang naramdaman.
Sinundan ito ni Rage ng malalim at malakas na pag–ulos. Itinikom nito ang mga labi at nanggigil na napaungol nang malakas na nagpatayo sa balahibo ni Klaire.
Nakatitig si Klaire sa mukha ni Rage na tila mas gwapo nang sandaang ulit matapos siyang paligayahin nito. Wala sa sarili niyang inabot ang pisngi nito at hinaplos ‘yon pababa sa leeg nito.
Minulat ni Rage ang mga mata at malalim na huminga. Hinawakan nito ang palad ni Klaire at hinagkan nang matagal. Pagkatapos, bumagsak ito sa tabi niya at niyakap siya nang mahigpit, tila ba ayaw siyang pakawalan.
Nang humupa ang mabilis nilang paghinga, biglang naalala ni Klaire ang lahat ng nangyari. Ang mga halinghing at pagtawag niya sa pangalan ni Rage, dahilan para mas mamula ang mukha niya sa hiya.
Tumalikod siya at kumuha ng unan para takpan ang mukha. Nahihiya siya sa pinaggagawa niya at gusto na lamang magpalamon sa lupa! Ano ba ang pumasok sa isip niya at bigla siyang naging uhaw para sa lalaki?
“Don’t sleep yet.” Lumapit si Rage at niyakap siya mula sa likod, marahang hinahaplos ang tiyan niya hanggang sa maramdaman niya ang pagkalma ng kanyang katawan. “Magpahinga muna tayo… I’ll guide you for our another round,” bulong nito at hinagkan ang batok niya.
Mabilis na nagmulat ang mga mata ni Klaire sa narinig. Nawala ang pagiging kalmado niya at napalitan nang kaba at ‘di malamang excitment sa susunod na gagawin nila ni Rage…
***
Nagsimula ang araw ni Rage nang puno ng ngiti. Mula sa pag–alis sa mansyon hanggang sa pagdating sa opisina, pasulput–sulpot ang ngiti niya sa mga labi.
Hindi siya makapaniwala na nagpaubaya sa kanya ang asawa–ngayon ay nasa wisyo na ito. Hindi siya ang nagpumilit, kundi ang asawa niya mismo ang humiling niyon sa kanya.
Ang mahiyain at sabik na ekspresyon ni Klaire ay nakaukit na sa isip ni Rage. Hindi niya inasahang magiging mas mapangahas pa ito pagkatapos ng dalawang round nila kagabi.
Gusto na niyang tapusin ang meeting at angkinin muli sa asawa sa kama. Miss na miss niya ang amoy ni Klaire kahit isang oras pa lang silang hindi nagkikita.
Ang apat na round na pinagsaluhan nila hanggang madaling araw ay hindi sapat para mapawi ang kanyang pagnanasa. Para bang ayaw na niyang maging presidente ng sariling kumpanya at gusto na lang laging kasama si Klaire. 1
“Ang saya–saya ninyo ngayon, sir.” Tiningnan siya ni Kanor, ang kanyang driver, sa rearview mirror.
“Palagi naman akong masaya, Kanor.” Kusa siyang bumaba ng kotse at hindi na naghintay pa na pagbuksan ng driver. “Have a nice day.”
1/2
Kabanata 46
+25 BONUS
Napanganga si kanor sa gulat. Limang taon na siyang nagtatrabaho kay Rage, pero ngayon lang niya narinig ang ganung magandang bati mula sa amo.
“Magandang araw din po, sir,” masayang sagot ni Kanor.
Pagpasok ni Rage sa building, sakto namang dumating si Chris at mabilis na sumunod sa likuran niya na parang buntot gaya ng dati. Pinabagal niya ang mga hakbang at pinilit si Chris na lumakad sa tabi niya.
“Don’t be so stiff. Walk beside me.”
Ramdam ni Chris ang magandang mood ng kanyang boss. “May magandang nangyari po ba, sir? May malaking project ba tayo?”
“What do you mean?”
“Parang ang saya–saya kasi ninyo…” Humina ang boses ni Chris sa takot na mapagalitan.
Tiningnan ni Rage ang sariling reflection sa makintab na dingding ng elevator. Hinagod niya ang pisngi at baba gamit ang daliri, at saka ngumiti.
“Ganito naman ako palagi, Chris. Ano bang pinagsasabi mo!” aniya at saka tumawa.
Nakanganga si Chris nang lumabas sila ng elevator. Ibang–iba talaga ang mood ng boss niya ngayon! Hindi kailanman ngumiti nang ganito kalawak ang boss niya. Palagi itong seryoso at sarkastiko kapag naiinis. Kung tatawa man ito, ‘yon ay kung may iniinsulto at niyayabangan lamang ito.
“How’s the wedding preparation going?” Tanong ni Rage at saka tinulak ang pinto ng kanyang opisina.
“Patapos na po, sir.”
Biglang napahinto si Rage, pati si Chris na muntik nang bumangga sa likuran niya. May naghihintay sa loob ng kanyang opisina at narinig ang usapan nila.
“So, you’re getting married? Kanino? Why didn’t you tell me?” Sunod–sunod na tanong ng taong naghihintay sa kanya na halata ang galit sa mukha.

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)