Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 47

Nakatayo si Rita sa harap ni Rage na tila nabihag ng hindi inaasahang pagkabigla. Tanging lungkot ang kanyang nararamdaman. Paano naitago ng kapatid ang isang napakahalagang bagay sa kanya? Paanong nagawa ni Rage na magpakasal nang hindi man lang siya sinasabihan?

Kanina ka pa ba rito?tanong ni Rage, pilit na tinatago ang kanyang pagkagulat. 2

Sagutin mo muna ang tanong ko. Kailan at kanino ka ikakasal? Wala na ba talaga akong halaga sa’yo kaya hindi mo man lang ako sinabihan?Pagtataas ng boses ni Rita, puno ng hinanakit ng bawat salita.

Sit down first.Waring walang pakialam, nilampasan ni Rage ang kanyang Ate at mahinahong naupo sa leather single seat na sofa..

Lalo lamang itong nagpaigting sa sama ng loob ni Rita. Pakiramdam niya ay hindi siya pinapahalagahan at nirerespesto ng nakababatang kapatid, na parang bang walang paki ang kapatid sa kanyang nararamdaman.

Malalaki ang hakbang ni Ritâ nang hilain ang isang upuan at padabog itong inupuan sa tapat ni Rage, habang titig nang titig sa kapatid.

Bakit hindi mo sinabi sa akin na ikakasal ka?!muling tanong ni Rita.

Hindi sa ayaw kitang sabihan. But, I just planned this wedding a few days ago. Balak ko sanang sabihin sa’yo kapag tapos na ang mga preparasyon, pero nauna ka nang pumunta rito. What are you doing in my office this early?Mabilis paliwanag at pagiiba ni Rage ang usapan.

Hindi mo pa nasasagot ang isa kong tanong! Kanino ka ikakasal?determinadong panguusisa ni Rita na naniningkit ang mga mata.

Nanahimik si Rage habang nakatingin sa kapatid. Alam niyang sa huli, malalaman din ng lahat na si Klaire ang magiging asawa niya. Wala nang dahilan pa para itago pa ito.

Her name is Klaire Villanueva,sagot niya nang walang emosyon.

Nanlaki ang mga mata ni Rita. Klaire Villanuevayou mean si Klaire Limson?

Tiningnan lang siya ni Rage nang walang imik, animo’y kinukumpirma ang sagot sa tanong niya. Alam ni Rita na hindi nagsisinungaling ang kapatid. Ngunit sa dinamirami ng babae sa bansa, bakit kailangang si Klaire? Hindi niya yata kayang paniwalaan ito!

Nagbibiro ka langdi ba? Is this some kind of prank, Rage?

Hindi. I’m really going to marry her soon.

Napatayo si Rita, hindi makapaniwala lalo pa’t mukhang seryosongseryoso ang mukha ni Rage. Bakit si Klaire? Ano’ng nasa isip mo at bakit gusto mong pakasalan ang exfiancee ng pamangkin mo?!

Dahil nga exfiancée siya ni Miguel kaya ko siya pakakasalan.

Napaupong muli si Rita, gustong intindihin ang mga paliwanag ng kapatid. Alam niya ang ugali ng kapatid. Hindi ito bastabasta gumagawa ng desisyon na hindi nito pinagiisipang mabuti. Alam niyang may matinding

dahilan ito.

1/2

Kabanata 47

+25 BONUS

Pakakasalan ko si Klaire para protektahan si Miguel,dugtong pa ni Rage.

Protektahan si Miguel?Kumunot ang noo ni Rita, naguguluhan sa rason ng kapatid. Paano nito mapoprotektahan ang pamangkin sa pagpapakasal kay Klaire?

Miguel left his exfiancee so he could marry her stepsister. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa kanya?

Ni minsan ay hindi ito naiisip ni Rita noon. Ang asawang si Julius at Miguel kasi mismo ang nagayos ng kasunduan sa pamilya ng mga Limson. At matapos ng biglaang pakikipaghiwalay ni Miguel kay Klaire, hindi na siya nakialam pa maliban nang hikayatin niya si Julius na pabilisin ang kasal para makadalo si Rage.

Ayokong masira ang pangalan ng pamangkin ko dahil sa pagiging playboy. You can probably imagine how hard it could get for Miguel to live his life hearing the insults and censures of society.

Untiunting humupa ang tensyon sa mukha ni Rita nang marinig yon. Hindi niya mapigilang humanga at maantig sa kapatid na walang ibang inisip kung hindi ang future ni Miguel.

Kaya napagdesisyunan korg pakasalan si Klaire, para maging payapa ang buhay ni Miguel at hindi na mabigatan sa mga magiging posibleng paratang sa kanya,dagdag pa ni Rage.

Nanatiling tahimik si Rita, pinoproseso ang bawat salita ng kapatid. Ngayon ay mas naiintindihan na niya kung bakit gustong pakasalan ni Rage ang dating nobya ni Miguel at hindi niya maiwasang humanga rito. Alam na alam ni Rage kung paano magisip at kumilos nang mabilis.

Bukod dito, ang kanyang pangamba tungkol sa sinapit Klaire ay maaaring malutas sa desisyon ni Rage. Hindi na masasabihan ng kung anoanong masasakit ang dalaga dahil lang iniwan ito ni Miguel. Kahit papaano, nababawasan ang kanyang pagkonsensya.

Fine. Naiintindihan ko na ang dahilan mo, Rage. Ang hindi ko lang matanggap ay bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Kapatid mo ako. Syempre gusto kong malaman ang ganitong mahahalagang bagay.Kahit makatuwiran ang rason ni Rage, nanatili pa ring may bahid ng hinanakit sa boses ni Rita.

I just wanted to make sure all my preparations were completed perfectly first. At ayokong malaman muna ito ng asawa mo lalo na si Miguel. You know what your husband and son very well. Baka isipin pa nila na may ibang motibo ako.

Hindi nila gagawin yon,agad na tanggi ni Rita. Pero dapat mo na silang sabihan sa lalong madaling panahon. Ayokong mabigla sila sa mismong araw ng kasal mo.

2/2

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)