Kabanata 48
“Don’t worry, I’ll take care of it. Sa ngayon, magkunwari ka munang walang alam.”
Hindi na kailangang isiwalat ni Rage ang nangyari nang gabing iyon sa Conrad Hotel. Sigurado siyang magagalit ang kapatid kapag nalaman nitong siya ang dahilan kung bakit kinancel ni Miguel ang kasal nila ni Klaire.
Mahabang kwentuhan ang ginawa nina Rita at Rage tungkol kay Klaire. Masayang–masaya si Rita dahil magiging asawa na ng kapatid ang babaeng gusto niyang maging manugang noon. Kahit hindi natuloy ang pagiging daughter–in–law nito sa kanya, maaari pa rin silang magkita nang madalas at magkaroon ng magandang relasyon kapag napangasawa ito ni Rage.
Habang nakikinig sa mga kwento ng kanyang ate, napagtanto ni Rage na hindi nagsasabi si Julius Bonifacio ng mga issue sa kapatid niyang si Rita–kagaya na lamang naging problema nina Miguel at Klaire.
Sa unang pagkakataon, pakiramdam ni Rage ay sinuwerte siya sa bayaw na naglilihim ng mga bagay–bagay sa ate niya.
“Alagaan mo nang mabuti si Klaire. Kahit hindi mo pa siya mahal ngayon, sigurado akong mapapamahal ka rin sa kanya balang araw. Mabait na bata ‘yon… huwag mo siyang sasaktan,” madamdaming wika ni Rita.
Habang abala ang magkapatid sa pag–uusap, dalawang katok sa pinto ang kumuha sa atensyon nila. Hindi pa man naiimbitahang pumasok ay agad na binuksan ni Kira ang pinto at nagmartsa papasok ng opisina ni Rage.
“Good morning, Tito Rage!” Nagulat ito nang makitang nandoon ang kanyang mothe–in–law. “Mama… bakit po kayo nandito?”
“Uuwi na ako. Sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong.” Nagpaalam muna si Rita kay Rage bago tumayo. ‘ Opisina ito ng kapatid ko. Hindi naman siguro bawal kung dadalawin ko siya.”
“Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin, Ma. Ang gusto ko lang ”
Wala nang pakialam si Rita. Dinaanan lamang niya si Kira nang hindi pinapakinggan ang kung anuman ang
sasabihin nito.
Ang ugali ng biyenan ay lalo lamang nagpaalab ng galit sa dibdib ni Kira. Kung hindi lang ito nanay ni Miguel ay hindi niya pag–aaksayahan ng oras ang aroganteng ginang na ito!
Magmula nang maikasal sila ni Miguel,, palaging malamig ang pakikitungo sa kanya ng ina nito. Alam ni Kira na pangarap na pangarap ng biyenan na si Klaire ang maging manugang nito, at hindi siya.
Si Rita ang nag–udyok noon kay Klaire na pumayag sa plano nina Julius Bonifacio at Miguel na pag–isahin ang dalawang pamilya. Kaya nang magbago ang napiling fiancee ng anak, kitang–kita ang inis nito–lalo na kay Kira.
Naaalala niya ang pagiging close nina Klaire at Rita noong kasal nila ni Miguel. Naghinala siyang siniraan siya ng bruhang ‘yon sa mother–in–law niya!
Maghintay lang ang Klaire na ‘yon at malalaman nito kung sino ang may huling halakhak sa huli… Lahat ng tao ay aayawan siya! Pangako ni Kira sa sarili.
“What do you need here, Kira?” malamig na tanong ni Rage.
11
1/2
Kabanata 48
+25 BONUS
“Mag–gu–good morning lang po sana sa inyo, Tito Rage, bago ko i–discuss ang project sa team members ko,‘ ani Kira at matamis na ngumiti.
11
Nagbago ang ugali ni Kira pagkatapos ng kasal, inakalang hindi na niya kailangang maging sobrang pormal pa sa tiyuhin ng asawa.
Pero lalo lamang itong nakairita kay Rage.
“You came here to work, right? Huwag mo akong tawagin Tito sa oras ng trabaho,” masungit na sabi ni Rage.
Lubos na nagulat si Kira at napahiya. “O–Okay, Ti–I mean Mr. De Silva…”
Matapos batiin ang kanyang Tiyuhin, sumama si Kira sa production team na nagtatrabaho para sa kanya. Bumuhos ang mga pagbati sa kanya ng mga empleyado sa naganap niyang kasal.
“Thank you everyone. Pero balik trabaho muna tayo,” sabi ni Kira nang pumapalakpak, bago dinismiss ang mga empleyado. Lumapit siya sa bagong empleyadang may hawak ng production budget report para sa kanyang jewelry design. “Vina ang pangalan mo, ‘di ba?”
“Opo, ma’am,” sagot ni Vina na kitang kinakabahan at nahihiya.
“Okay, Vina. I want to see yesterday’s report.”
Tumayo si Vina at inanyayahan siya na umupo sa puwesto nito. Binigyan ni Kira ng ibang files si Vina para may magawa ito at hindi na siya masyadong i–monitor.
‘Ito ang gagamitin ko para mapaalis si Klaire rito.‘ Makahulugang ngumiti si Kira habang nagta–type sa file. Hindi pa niya alam na wala na pala si Klaire sa kumpanya ng mga De Silva.
Sa kabilang banda, nagmamadaling lumabas ng kanyang opisina si Rage patungo sa meeting room. Sabik na sabik siyang matapos ang trabaho para sa araw na iyon. Subalit, dahil sa ilang minor problems sa meeting, naantala ang pag–uwi niya ng halos dalawang oras.
Pagkatapos ng meeting, bumalik si Rage sa kanyang opisina para kunin ang mga dokumentong kailangan niyang dalhin sa mansyon. Bigla siyang napahinto nang marinig ang mga tinig sa opisina ng sekretarya–na dapat ay walang katao–tao ngayon.
Sino ang naglakas–loob na pumasok sa opisina ng kanyang asawa?
Walang pinapayagang gumamit ng silid na iyon kahit pa wala na roon si Klaire. Ipinag–utos niya kay Chris na lagi itong i–lock para walang makapasok nang basta–basta.
Binuksan ni Rage ang pinto ng opisina para makita ang maliit na daga na sumuway sa kanyang utos.
“You… what are you doing here?!”
2/2

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)