Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 50

Kabanata 50

+25 BONUS

Kabanata 50

Okay, if you say so.Inayos ni Rage ang nagusot na polo at muling isinoot ang coat. Pagkatapos ay naupo sa sofa kung saan madalas nauupo si Klaire.

Now tell me, why did you come here without asking my permission first?Napahalukipkip si Rage, nakatingin kay Klaire nang may pangaakusa.

Umawang sandali ang labi ni Klaire bago magpakawala ng mabilis na buntonghininga. Hindi siya

makapaniwalang ganito kabilis magbago ang ugali ng asawa matapos siyang angkininpaglaruan. Laruan lang ba ang tingin sa kanya ni Rage na gagamitin nito kapag kailangan?

Tinapik ni Rage ang hita nito, senyales para umupo si Klaire sa kanyang kandungan. Nang hindi ito kumilos, lalong tumalim ang tingin nito sa kanya.

Come here,utos nito.

Dahandahang lumapit si Klaire sa gilid ng sofa. Dahil mukhang ayaw sumunod sa utos, si Rage na mismo ang humila sa kanya para marahang paupuin ito sa mga hita niya. 1

Inabot ni Rage ang parehong kamay ni Klaire at pinulupot ito sa kanyang leeg.

So, did you came here because you missed me? Sabik kang mahalikan ulit?

Kitangkita ni Klaire ang kislap sa mga mata ni Rage habang naghihintay ng sagot niya. Talaga bang umaasa ito na kukumpirmahin niya ang hinala nito?

Nagiguilty siyang ideny ang tinatanong nito. Ayaw niyang madismaya ang asawa. MMedyo

Medyo lang?Kumunot ang noo ni Rage. Hindi siya kuntento sa sagot.

Inilabas ni Klaire ang phone at pinakita sa lalaki ang text message ni Kira sa kanya.

Mabilis na binasa ito ni Rage. Wala naman siyang narinig na anumang problema sa budget ukol sa collaboration project nila ni Kira..

I will take care of it. You don’t need to think about this.Hinimas niya ang tiyan ni Klaire. Just take good care of my baby and serve me whenever I want.

Nanlumo si Klaire sa gustong mangyari ng asawa.. Yun lang ba ang gusto ni Rage sa kanya? Ang katawan niya at ang sanggol sa kanyang sinapupunan?

Ano pa ba ang ineexpect mo, Klaire? Swerte ka nga’t pinakasalan ka ng isang Rage De Silva at hindi pinaabort ang pregnancy mo. Nageexpect ka bang mamahalin ka niya? Gumising ka nga! Si Rage De Silva tokahit magaganda’t successful na babae, hindi niya pinapansin. Sino ka para humiling pa? At bakit ka umaasa?

Ano’ng iniisip mo?Nahuli ni Rage ang lungkot sa mga mata ni Klaire.

Wala po, Sir. Hayaan niyo po akong ayusin ang problema. Responsibilidad ko rin po ang trabahong iniwan ko,mahinang pakiusap ni Klaire.

Hindi pwede. Mapapagod ka. Ayokong may mangyari sa baby ko.

1/2

Kabanata 50

+25 BONUS

Baby mo? Baby natin itoLalong ibinaba ni Klaire ang ulo dahil sa lungkot.

Sa kabilang banda, naisip ni Rage na nalulungkot si Klaire dahil hindi niya ito pinapayagang magtrabaho. Nagsimula tuloy siyang magdalawangisip. Papayagan ba niya itong gawin ang gusto para naman bumalik ang sigla nito? Pero kung mapagod ito nang husto, baka maging delikado para sa baby nila.

Okay. You can solve the problem. However, you can’t take on all the work yourself. Tutulungan ka ni Chris.

Okay, Mr. Rage De Silva.

Walang nagbago sa ekspresyon ni Klaire, dahilan para lalo lamang malitosi Rage. Why do you still look so down? Sabihin mo sa akin kung ano ang problema. You shouldn’t think about heavy problems.

Huwag po kayong magalala, sir. Aalagaan ko nang maigi ang baby ninyona baby ko rin.

Napataas ang kilay ni Rage. Pakiramdam niya ay alam na niya kung bakit biglang naging malungkot ang asawa.

Our babyhindi lang sa akin o sa iyo, mabilis na itinama ni Rage ang kanyang mga salita.

Pero mukhang huli na dahil dinamdam na ni Klaire ang una nitong sinabi. Hindi ba’t ang unang lumalabas sa bibig ng isang tao ay ang tunay nitong saloobin?

Tumayo si Klaire mula sa kandungan ni Rage. Puntahan ko muna si Kira.

Sinundan lamang ni Rage ang asawa na may lihim na ngiti. Ang cute ni Klaire kapag nagtatampo. Gusto na naman sana niyang halikan ang asawa, pero ayaw niyang mapagod ito nang sobra.

Klaire!sigaw ni Kira sa di kalayuan. Patakbo itong lumapit sa magasawa. Titoay, Mr. De Silva palaKailangan ko po kayong makausap at si Klaire ngayon din.

Ano’ng problema ang tinutukoy mo kanina, Mrs. Bonifacio?Sinadya ni Klaire na tawaging Mrs. Bonifaciosi Kira para ipakitang okay lang siya sa naganap na kasal nito.

Ang buong akala naman ni Kira ay naiinggit ang kapatid dahil sa bago niyang apelyido.

Kira Bonifaciohindi Klaire Bonifacio. Siya na naman ang nanalo!

If you don’t want to talk, then don’t waste our time,” malamig na sabi ni Rage.

Bumalik sa realidad si Kira, at saka pinasa ang dokumento kay Klaire.

Well, I see a pretty big difference in the report you corrected and the original report from Vina’s computer. Saan napunta ang dalawang bilyon para sa raw diamonds, Miss Villanueva?

2/2

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)