Kabanata 51
“Miss Klaire, come into my office with the file. At ikaw… bumalik ka sa trabaho mo,” seryosong utos ni Rage sa dalawang babae bago sila iwan.
Nang tuluyang makapasok na si Rage sa opisina nito, biglang nag–iba ang emosyon sa mukha ni Kira. “I’m sorry, Ate. Hindi naman kita inaakusahan. Pero imposibleng nagkamali lang si Vina sa report na ‘to kasi kinumpirma rin namin ang purchase ng raw materials sa ibang empleyado.”
Ibang klase… iyon lamang ang nasa isip ni Klaire habang tinititigan ang mukha ng kapatid.
Kahit nagpapakita ng pag–aalala at guilt si Kira, bakit parang wala itong epekto sa kanya? Dahil ba sa mood swings dala ng pregnancy hormones? O dahil alam niyang imposibleng nagkamali siya sa halagang dalawang bilyon?
Para sa kumpanya ng asawa, hindi kalakihan ang halagang iyon para sa high–quality raw diamonds. Pero para kay Klaire, malaking halaga iyon. Paano niya naman mamamali iyon?
Lahat
Ing trabaho niya ay nagawa niya nang maayos at matapos ang matinding research. May nakaligtaan ba siyang gawin dahil marami siyang iniisip na personal na problema ng mga panahong ‘yon?
“Titingnan ko ulit ito. Dahil malaki at halatang–halata ang dalawang bilyon, dapat napansin ko na may malaking discrepancy,” mariin niyang sagot.
“Kung sakaling kailangan mo ng pera, pwede naman kitang pahiramin, Ate. Huwag ka masyadong mag–alala,” wika ni Kira na para bang sinasabi nito na kinuha talaga niya ang malaking halaga na ‘yon. “Alam mo naman. Masyadong mabait ang asawa kong si Miguel. Kahit isang araw pa lang kami mag–asawa, ang dami na niyang regalo at allowance sa akin kahit sinabi kong kaya kong kumita ng sarili kong pera. Kaya naman pwede kitang tulungan, Ate Klaire, kung kailangan mo,” dagdag na sabi ni Kira, sinasadya ang pagyayabang.
Syempre, hindi papayag si Kira na hindi maipamukha sa kapatid na mas nakakaangat na siya ngayon sa kapatid. Gusto niyang ipagyabang na maswerte siya na napangasawa niya ang isang Miguel Bonifacio.
Gusto niyang makita ang sakit sa mukha ng kapatid. Pero nanatiling kalmado si Klaire, para bang walang kwenta ang mga sinasabi niya.
“Pera ng asawa mo ‘yan, hindi akin. Itago mo na lang para sa pangangailangan ninyo sa bahay,” pilit na ngumiti si Klaire, hindi dahil sa hindi niya gusto na inaalagan ni Miguel si Kira, kundi dahil animo’y kinaaawaan siya ni
Kira,
Mahigit isang buwan na mula nang palayasin siya sa mansyon ng mga Limson, pero ngayon lang nag–alok ng tulong si Kira. Ang dali–dali nga para dito na makuha ang bago niyang cell phone number… kaya nasaan ito noong mga panahong kailangan niya ito?
At… kailan pa ba naging mabait si Kira sa kanya? Dati, halos hindi siya nito kinikibo. Ngayon, nagbago ang ihip ng hangin dahil kinasal ito kay Miguel?
Inabot ni Kira ang kamay niya at tiningnan siya nang maigi. “Huwag ka sanang magalit sa sinabi ko, ate. Gusto ko lang mabawasan ang guilt ko dahil sa pagkakasal ko sa lalaking dapat ay sa’yo… at dahil nasaktan ka naman talaga ni Miguel nang hiwalayan ka niya at piliin ako para maging asawa niya.”
1/2
Kabanata 51
+25 BONUS
Hinigit ni Klaire ang kamay niya na hawak nito. Sa hindi malamang dahilan, hindi siya komportable na
mahawakan ni Kira.
“Bumalik ka na sa trabaho mo. Ako na ang bahala dito,” wika niya bago talikuran ang kapatid at pumasok sa opisina ni Rage.
Napangisi si Kira habang pinagmamasdan ang likod ng kapatid. Sobra–sobra siyang nasisiyahan ngayon. Sa tingin niya, umaarte lang si Klaire na ayos lang dito na pag–usapan nila si Miguel.
‘Simula pa lang ito, Klaire. Sisiguraduhin kong matatanggal ka sa kompanyang ‘to. Madalas kang makikita ni Miguel dito dahil konektado ka pa rin sa mga De Silva. Mas mabuti pang mawala ka na lang sa lugar na ‘to,‘ naisip niya.
Samantala, sa loob ng opisina, naghihintay si Klaire habang pinag–aaralan ni Rage ang dokumento. Niyuko niya ang ulo niya at palihim na nagnanakaw ng sulyap sa asawana seryosong nagbabasa, ngunit parang may ibang iniisip.
“There’s nothing wrong,” wika ni Rage atinilapag ang budget report ni Kira sa desk.
Napakunot ang noo ni Klaire sa gulat. Maliwanag namang may discrepancy sa report. Hindi ba ito napansin ni Rage?
‘Imposible… palaging maingat at perpekto si Rage sa trabaho,‘ tanggi niya sa naisip.
“Eh ‘yung nawawalang dalawang bilyon, sir?”

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)