Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 52

Tumayo si Rage at naglakad patungo sa bookshelf. Kailangan mo lang itong bayaran. Responsibilidad mo yan, Klaire,malumanay na sabi nito, na para bang madali lang ito para kay Klairekahit alam naman nitong walang trabaho at ariarian ang asawa.

Nanlaki ang mga mata ni Klaire sa winika ni Rage. HHuh? Paano ko po mapapalitan ang ganoong kalaking pera? Ni hindi n’yo nga po ako pinapalabas ng mansyon o pinagtatrabaho.Malungkot siyang napayuko at pinagsalikop ang mga dalari.

Pero nakapunta ka rito kahit walang pahintulot ko, di ba?Naalala ni Rage ang nauna niyang problema. Muling naginit ang kanyang ulo.

Pasensya na, sirHindi n’yo po kasi sinagot ang tawag ko,mahinang pagdadahilan ni Klaire. Hindi ko na po uulitin.

Biglang siyag nakarinig ng clicknang pindutin ni Rage ang isang bagay sa likod ng libro sa shelf. Lumingon si Klaire sa direksyon ng tunog. Ang bookshelf ay dahandahang umusog, at lumantad ang isang sekretong silid sa likuran nito.

Come hereutos ni Rage.

Ngayon lang naisip ni Klaire na may ganitong silid pala ang opisina ng asawa. Wala man lang bakas sa pader na may pintuang nakatago doon!

Napatalon siya nang magsara nang kusa ang pinto pagpasok nila. Nilibot ng mga mata niya ang silid na halos kasinlaki ng opisina ni Rage. Malamang dito ito nagpapahinga kapag pagod sa trabaho. 1

Kaya pala kayang magtrabaho nang buong araw ni. Rage. Dito siguro siya naglalagi kapag walang nakatingin,napangiti siya nang maisip ang asawang nakahilataisang eksenang hindi umaayon sa istrikto nitong imahe.

Ano’ng nakakatawa?

Agad na itinikom ni Klaire ang mga labi. Wala po,

sir.

Isinampay ni Rage ang kanyang coat sa balikat ni Klaire, saka isaisang inalis ang butones ng polo. Napalunok nang malalim si Klaire, para bang gusto na niyang umalis agad ng silid na yon. (1

Go to sleepyou need to get enough rest during the day for our baby.

Kahit ang mga salitang yon ay puno ng pagaalala, nanatiling malamig at walang emosyon ang boses ni Rage- para bang obligasyon lang bilang asawa ang pagaalagang ito.

Ngumuso ang labi ni Klaire habang humihiga sa malambot at mabangong kama. Tila palaging nililinis ni Rage ang lugar na ito. Amoy fabcon ang mga kumot at unan.

Umuga ang kama nang mahiga rin si Rage. Ipinulupot nito ang braso sa tiyan niya mula sa kanyang likod.

Bakit ka nakahiga, Sir? Hindi ba kayo magtatrabaho?Maingat niyang itinaas ang braso nito, ngunit imbes na maalis ay mas lalo lang itong pumulupot sa kanya, hanggang sa mapasok na ng palad nito ang loob ng blouse niya at saka marahang hinihimas ang kanyang tiyan.

1/2

Kabanata 52

+25 BONUS

I’m working now. May utang ka sa akin na dalawang bilyon. Arawaraw, pupunta ka rito para samahan akong magpahinga.

Sa totoo lang, hindi naman kailangang pumasok si Rage habang naghahanda sa kanilang engrandeng kasal. Pumupunta lang siya sa opisina para tingnan kung may urgent matters. Naipasa na niya ang lahat ng trabaho kay Chris at babalik lang siya pagkatapos ng honeymoon nila ni Klaire.

Ngumiti ang lalaki sa likod ni Klaire habang inaasam ang buong araw na yakapin ang asawa sa honeymoon. Pupunta sila sa magagandang lugar at gugugulin ang isang buwanang bawat arawsa kwarto.

Eh bakit pa pupunta sa magandang lugar kung sa kwarto lang din naman pala? Ewan. Si Rage lang ang

nakakaalam.

Ipinikit ni Klaire ang mga mata at untiunting kumalma ang kanyang katawan. Naisip niya, walang kwentang lumaban sa kagustuhan ng asawa niya. Susundin niya na lang ito at babayaran ang utang. Kahit hindi pa rin siya sigurado kung nagkamali nga ba siya sa report.

Ang marahang mga haplos sa kanyang tiyan ay biglang nagpasaya sa puso ni Klaire. Marahil, nararamdaman din ng baby nila ang pagmamahal mula sa mga haplos na iyon. Hanggang sa malalim na siyang nakatulog

Dalawang oras ang lumipas nang magmulat ng mga mata si Klaire. Naramdaman niyang wala nang nakayakap sa kanya.

Mula sa likuran, naririnig niya ang boses ng asawa na may kausap.

Di mo ba kayang buhayin ang asawa mo? Ninakaw pa ang pera sa kumpanya ko. This time, I will forgive your wife. If she cheats again, I will not only end our cooperation, but I will also make your wife regret her actions. Tandaan mo yan!

Sino kaya ang kausap ni Rage?

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)