Kabanata 53
Nang makatulog si Klaire, inutusan na ni Rage si Chris na ayusin ang pagkakamali sa budget report. Kahit malugi pa ang kumpanya niya dahil dito, hindi niya hahayaang mahirapan ang asawa.
Pero may ni–report si Chris na hindi niya inaasahan.
Ayon kay Chris, ang original budget report ni Klaire ay iba sa binigay ni Kira kanina. Na palaging nakikipag- coordinate si Klaire kay Chris bago magpasa ng mga report. Nang i–check ni Chris ang history sa computer ni Vina, nakita nitong si Kira ang huling gumamit nito at nag–edit ng file sa mismong oras na hiniram ang computer.
Para kay Rage, malaki ang dalawang bilyon kung ninakaw ng isang empleyado. Pero maliit lang iyon kung pagkakamali ito ng asawa.
Agad niyang tinawagan si Miguel para pag–usapan ang kalokohan ginawa ng asawa nito. Habang nakikipag- usap sa telepono, nagising si Klaire at narinig ang lahat.
“Sino ang kausap mo kanina, Sir? Tungkol po ba sa problemang ginawa ko ‘yon?” tanong ni Klaire nang matapos ang tawag.
Bahagyang nagulat si Rage na nakikinig na pala si Klaire sa kaniya, pero mabuti na lang at hindi nito alam na si Miguel ang kausap niya.
“You’re awake… Bakit ‘sir‘ nanaman ang tawag mo sa akin? Tayo lang dalawa dito.” Muling humiga si Rage sa kama at niyakap si Klaire, inaamoy ang mabangong leeg nito. “You only call my name when you’re making love to me. Dapat bang gawin natin ‘yon kada oras para masanay ka?”
Namula ang mga pisngi ni Klaire. Bakit ba laging may nakakahiyang sinasabi itong si Rage?
“Nakikiliti ako… Rage…” Napabaluktot siya nang kuskusin nito ang baba sa kanyang leeg.
“Mukhang bumalik na ang lakas mo, ah. Gusto mo bang kumain, o ako muna ang kakain sa’yo?” pang–aasar na tanong ni Rage.
“G–gutom po ako…”
“Sabihin mo nang maayos.”
“Gutom na ako… Rage…”
Marahang hinaplos ni Rage ang buhok ni Klaire, na para bang tama ang ginawa nito. Pagkatapos, tumayo siya at hinila ang asawa para sumama.
Paglabas ng secret room, umupo sila sa sofa. “Dadalhin ka ni Chris sa isang restaurant,” sabi ni Rage habang nagte–text kay Chris.
“Hindi ka sasama?”
“Pigilan mo muna ang sarili mo, Mrs. De Silva. Alam kong gusto mong lagi akong kasama, pero may kailangan akong kitain ngayon.”
1/2
Kabanata 53
+25 BONUS
‘Bakit ba lagi na lang niyang sinasabi na gusto kong lagi siyang kasama?! Nag–aaya lang naman ako!‘ iritadong naisip ni Klaire.
Ilang saglit pa, dumating na si Chris at sumama si Klaire dito papunta sa restaurant. Pero bago makarating sa parking, nakasalubong nila si Kira.
“Wow, teka ano ‘tong nakikita ko? Nakikipag–date ka ba sa personal assistant ni Tito Rage?” bulong ni Kira nang ipulupot nito ang mga kamay sa braso niya.
‘Babaeng ‘to, ngayon naman si Chris ang gustong landiin? Hindi ko hahayaang malapit ka sa kahit sino sa pamilya namin!‘ galit na naisip ni Kira.
“Huh? Anong sinasabi mo? Kakain lang kami.”
‘Kitang–kita kong nilalandi mo siya! Alam ng lahat na snob si Chris at katulad ni Rage. Imposibleng siya ang unang mag–aya sa isang babaeng cheap na tulad mo!‘
“Oh! Magla–lunch na rin ako. Pwede ba akong sumama sa inyo?” Tiningnan ni Kira ag kapatid nang may nagmamakaawang mata at nakasunod pa rin sa kanila.
“Kay Sir Chris ka magpaalam. Baka kasi hindi siya komportableng kumain kasama ang mga taong hindi naman niya close.” Itinuro ni Klaire si Chris.
Tiningnan niya si Chris na walang imik at tuloy lang sa paglalakad papuntang parking nang hindi man lang sila nililingon ni Kira.
Sa totoo lang, ayaw ni Klaire na makipag–usap kay Kira at nais lamang niyang tahimik na magtanghalian. Sana ay tanggihan ni Chris ang pagpupumilit nitong sumama sa kanila.
Subalit, ang paraan ng pakikipag–usap ni Klaire kay Kira ang lalo pang nagpatibay sa hinala nito na mayroon talagang relasyon ang dalaga kay Chris. Kaya naman hindi nanahimik si Kira.
“Sir Chris, puwede ba akong sumama sa inyo?” tanong ni Kira, tila nagmamakaawa at nagpapa–cute ang boses
nito.
“It’s up to you, Miss Klaire,” maikling sagot naman ni Chris at walang ka–emo–emosyon. Trabaho lang niyang samahan at ihatid si Klaire sa pagkain.
Dahil naririndi na si Klaire sa kakulitan ni Kira, sa huli’y pinayagan na rin niya ang dalaga na sumama sa kanila.
Lubha namang nagulat si Kira nang huminto ang kanilang sasakyan sa isang mamahaling 5–star restaurant na pagmamay–ari ng De Silva–isang lugar na para lamang sa mga nasa upper class na tao.
‘Kainis, ang suwerte ng cheap na babaeng ito! Ni hindi man lang ako nadala ni Miguel dito! Pero imposibleng may pambayad si Klaire sa lugar na ito. Baka si Chris ang manlilibre sa kanya? O baka naman, dahil kasama ako kaya pinili ni Chris dito?‘

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)