Lalo lamang nainis at naiinggit si Kira nang maingat na pinagbuksan ni Chris ng pinto ng kotse si Klaire. Samantalang siya, hindi man lang pinansin nito!
Hanggang sa pagpasok nila sa loob, mas lalo lamang siyang nairita dahil pati hinila pa ni Chris ang upuan para makaupo nang maayos si Klaire.
“Ano ang gusto mong orderin?” tanong ni Chris kay Klaire sabay abot ng menu.
Samantala, halos lumuwa ang mga mata ni Klaire nang makita ang mga presyo ng pagkain sa menu. Ang pinakamurang pagkain ay higit pa sa buwanang sahod niya.
“Ang mahala naman dito… lumipat na lang kaya tayo sa iba?” bulong niya.
Lihim na napaismid si Kira. ‘Napaka–cheap at ignorante. Palibhasa, laging nasa bahay lang, kaya hindi alam ang presyo ng mamahaling pagkain.‘ Agad na kinuha ni Kira ang isa pang menu at handa nang pumili ng kakainin. Pero nang makita rin niya ang mga presyo, halos lumuwa ang mga mata niya. ‘Ano ba ito, isang platito ay nagkakahalaga ng ilang libo?!‘
Pero swerte niya ngayon! Kung hindi niya pinilit na sumama sa dalawa, hindi niya matitikman nang libre ang mga pagkaing ito.
“Puwede kang umorder ng kahit ano,” sabi ni Chris ngunit biglang naalala ang pagbubuntis ni Klaire. “Teka, ako na ang pipili para sa iyo.”
Mas lalo pang nainis si Kira. Dapat siya ang binibigyan ng special treatment ni Chris! Siya ay pamangkin na rin ni Rage De Silva! Hindi ba’t dahil sa kanya kaya sila narito?
Bakit si Klaire lang ang pinagtutuunan ng pansin ng lalaki, ang babaeng cheap at walang–wala na ngayon? Pakiramdam niya ay may ginawa talaga si Klaire kaya ganito na lang ang inaakto ni Chris!
“Sir Chris, parang gusto mo talaga si Miss Klaire… actually bagay na bagay kayo,” pabulong na sabi ni Kirana kunwari’y humahanga sa dalawang nagliligawan.
Pero nanatiling walang imik si Chris at hindi sinagot ang tanong ni Kira. Gayundin si Klaire, tahimik lamang itong naghintay sa pagdating ng in–order na pagkain.
Samantala, naging abala si Kira sa paghanga sa paligid. Ang mga mesa sa restaurant na ‘yon ay malalayo sa isa’t isa. Kailangan pa nilang umakyat ng limang baitang para makarating sa kanilang pwesto, para bang nasa maliit na entablado sila kakain.
Ang mga customers doon ay hindi basta–basta–hindi katulad ng mga taong nakakasalamuha niya. Kahit mayaman at kilala ang kanyang ama, walang wala ang Papa Theodore niya sa mga nasa loob ng lugar na ‘yon.
May mas nakakaangat pa pala sa amin na nasa mataas nang estado, naisip ni Kira. Napakaswerte niya at bahagi na siya ng pamilya De Silva–Bonifacio. Kaya naman lalo siyang ginanahan na ituloy ang plano na mapaalis si Klaire sa kumpanya.
Ilang saglit pa ay dumating na rin ang pagkain. Halos kaunti lang ang kinain ni Klaire at ni Chris, ngunit si Kira ay ayaw magsayang ng kahit ano sa mga napili niya.
1/2
Kabanata 54
+25 BONUS
“Ang dami mong kinain, Mrs Bonifacio,” sabi ni Klaire na nasusuka sa pagkakita sa dami ng kinain ng kapatid.
“Well, kailangan ko kasi ng lakas para sa work at sa asawa ko,” sagot ni Kira na may makahulugang ngiti. “Hindi niya ako pinapabangon sa kama at palagi akong pinapagod. Minsan, kailangan ko pang magmakaawa kay Miguel para payagan niya akong pumasok sa trabaho.”
Dahan–dahang napailing si Klaire. Kailangan pa bang pag–usapan ang problema nila sa kama sa harap ng ibang tao? Lalo na’t nariyan pa si Chris.
Tamad na sumagot si Klaire. “Dapat nag–honeymoon na lang kayo ng asawa mo.‘
“Plano nga naming mag–honeymoon, kaso nagkagulo ang schedule namin dahil minadali ni Miguel ang kasal namin,” may bahid ng yabang na tugon ni Kira.
Hindi maiwasang kumirot ang puso ni Klaire nang marinig na minadali pala ni Miguel ang kasal nila ni Kira. Noong sila pa, ayos lang sa lalaki ang maghintay nang matagal.
‘Yun pala, ayaw lang talaga niya akong pakasalan.‘
“Kailangan na nating bumalik sa opisina. Tapos ka na ba? May gusto ka pang orderin?” tanong ni Chris kay Klaire.
“Wala na. Busog na ako.”
Dumating ang waiter at iniabot ang bill–isa kay Chris, at isa kay Kira.
Pagkatapos magbayad ni Chris, inanyayahan niya si Klaire na umalis na, hindi tinatapunan ng tingin si Kira na natigilan na sa kinauupuan.
Biglang nagising sa katotohanan si Kira nang kausapin siya ng waiter.
“Teka, Sir Chris! Saan kayo pupunta?” sigaw nito.
Sabay na lumingon sina Chris at Klaire. “Babalik na kami sa opisina. Hintayin ka na lang namin sa labas kung matagalan ka pa.”
Kumunot ang noo ni Kira sa narinig. “Eh paano ito? Hindi mo pa nababayaran, Sir Chris.” Iwinagayway nito ang bill sa kamay.
Walang ekspresyon na tiningnan siya ni Chris. “Bakit naman ako ang magbabayad ng kinain mo?”
2/2
Kabanata 55
+25 BONUS
Kabanata 55

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)