Kabanata 55
“A–ano?” Napanganga si Kira nang may halong pagkapahiya.
Siya ay si Mrs. Kira Bonifacio, pamangkin ni Rage De Silva! Paanong naglakas–loob ang isang hamak na personal assistant lang na sagutin siya nang ganoon at hindi bayaran ang kinain niya?
“Ikaw ang nagpumilit na sumama sa amin. Isang card lang ang dala ko at para ‘yon kay Miss Klaire.” Totoo namang isa lang ang dalang card i Chris, at pagmamay–ari pa iyon ng boss niyang si Rage. Bilang masunurin nitong tauhan, ang utos lang sa kanya ay bayaran ang lahat ng kailangan ni Klaire, hindi ang kailangan ni Kira. Kaya naman wala siyang pakialam sa babae.
Nang makita ang namumutlang mukha ng stepsister na si Kira dahil hindi sinagot ni Chris ang pagkain nito, nakaramdam nang kaunting awa si Klaire. Pero wala siyang magawa para tulungan ito.
Hindi niya kayang pakiusapan si Chris na bayaran pa ang kinain nito, lalo na’t napakamahal ng kinain nila. Ni pang–inom nga sa restaurant na iyon, wala siyang pambayad.
Hindi ba’t binibiyan naman si Kira ng malaking allowance ng asawa nito? Dapat ay kaya nitong bayaran ang halagang kinain nito.
“Miss Klaire, let’s go.”
“Hintayin ka lang namin sa labas, Mrs. Bonifacio,” ani Klaire at saka nagpatuloy na sa paglalakad, dahil hindi gagalaw si Chris hangga’t hindi siya nauuna.
“Card o cash po, Miss?” tanong muli ng waiter nang may galang kay Kira.
“May discount ba dito? Pamangkin ako ni Mr. Rage De Silva. Bigyan n’yo ako ng discount,” mataray at may kayabangang sabi ni Kira.
Tiningnan siya mula ulo hanggang paa ng waiter. Alam ng lahat ng empleyado na iisa lang ang pamangkin ni Rage sa bansa–si Chelsea De Silva.
“Pasensya na po, Miss, pero wala pong discount dito. Kung talagang pamangkin po kayo ni Mr. De Silva, tawagan n’yo po siya para mabayaran ang inyong order,” ani waiter nang mahinahon.
“Hindi ka naniniwalang pamangkin ako ni Tito Rage?”
Naalala ni Kira na simpleng–simple lang ang kasal nila ni Miguel, ayon sa dati nitong plano noong sila pa ni Klaire. Isang beses lang inanunsiyo ang balita na ikakasal sila, kaya posibleng hindi siya kilala ng waiter.
Mabilis niyang hinugot ang cellphone pero bigla niyang naalala na wala pala siyang phone number ni Rage! Meron lang siyang landline number ng mismong kumpanya, at alam niyang bihira sumagot si Rage sa mga tawag maliban kung importante,
Nanghina ang tuhod niya nang ilabas ang card para bayaran ang kinain. Nang makita ang kabuuang halaga, parang gusto niyang isuka ang lahat ng kinain niya.
***
Sa buong byahe pabalik sa opisina, tahimik lamang si Kira hindi kagaya kanina na maingay ito sa pag–alis at
1/2
Kabanata 55
+25 BONUS
pagkain nila sa mamahaling restaurant ng mga De Silva. Hindi maiwasang magtaka ni Klaire… napapatanong sa sarili kung galit ba ito dahil sa nangyari kanina?
Subalit hindi na iniisip ni Kira ang bayarin sa mga oras na ‘yon. Ang ikinakayamot niya’y ang pagsisisi na hindi niya engrande ang naging kasal nila ni Miguel para mas makilala siya nang mas nakararami sa bansa.
Noon, inalok siyang baguhin ang concept ng kasal nila ni Miguel pero tumanggi siya dahil gusto niyang maging simple katulad ni Klaire.
‘Kasalanan talaga ito ni Klaire! Bakit ba siya palaging nagpapakabait at simple?! Masyadong plastic at ipokrita!‘
Ilang saglit pa ay nawala ang inis ni Kira nang makarating sila ng kumpanya. Naroon na si Miguel na naghihintay para sunduin siya.
Samantala, papunta na sina Klaire at Chris sa opisina ni Rage. Sa labas, nakita nilang nakaupo si Miguel, hawak- hawak ang isang dokumento at kitang–kita ang pagkayamot sa mukha ng lalaki.
Tinanguhan lamang ni Klaire ang lalaki nang mapansin nito ang pagdating nila at saka naglakad papuntang opisina na malapit sa kinauupuan ni Miguel.
Muling nag–init ang dugo ni Kira nang makita ang asawang nakatingin kay Klaire nang hindi kumukurap, at tila hindi man lang siya nito napansin. Ngunit pinili niyang pigilan ang galit sa harap nila.
“Honey… may konting trabaho pa ako. Hihintayin mo ba ako? Okay lang naman sa akin kung ang driver na ang maghatid sa akin pauwi,” malambing niyang sabi, sadyang malakas para marinig ni Klaire.
Biglang napukaw ang atensiyon ni Miguel nang marinig ang boses ni Kira. Ngayon lang niya napansin ang
presensya ng asawa.
“Sumama ka sa akin!” Galit na sabi ni Miguel na tumayo at mariin na hinatak ang kamay ni Kira.
“Ouch… dahan–dahan, honey. Bakit ba ang impatient mo?” daing pa ni Kira sabay sabay sulyap kay Klaire na patuloy sa paglalakad at hindi sila pinapansin.
Maya–maya pa’y binitawan ni Miguel ang kamay niya nang makarating sila sa likod ng emergency exit. Halos mawalan siya ng balanse sa biglang pagtapon nito sa kamay niya.
“Ano’ng problema, hon?” Kahit nasaktan sa ginawa ng asawa, pinilit pa rin niyang manatiling mahinahon sa harap ni Miguel.
Nilapitan niya ito at yayakapin na sana, pero umiwas ang lalaki.
Mula nang ikasal sila, ni minsan ay hindi nakipagsiping sa kanya si Miguel. Ginawa na niya ang lahat ng paraan para akitin ito, ngunit lagi itong umaalis sa gabi at kinabukasan na bumabalik.
Maaga siyang umalis kanina sa bahay ng mga Bonifacio, para maramdaman man lang ni Miguel na nagtatampo siya rito dahil hindi siya nito pinapansin. Kahit isang sorry man lang sana sa pag–iwan nito sa kanya sa unang gabi nila bilang mag–asawa.

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)