Pero ano ito?
Nagpunta doon sii Miguel para makita si Klaire. At ngayong siya ang kaharap nito, kung umakto ito ay para bang nandidiri ito sa kanya.
“Don’t call me with such a disgusting endearment.”
Nanlabo ang paningin ni Kira dahil sa namuong mga luha sa kanyang mga mata.
“Sige… Miguel… galit ka ba dahil ‘yon ang tawag ko sa iyo?”
Padabog na inabot ni Miguel sa kanya ang dokumentong hawak nito “Ano’ng ginawa mo! Bakit mo ninakaw ang pondo ng project na galing kay Uncle Rage?!” (1
Nanigas si Kira sa kinatatayuan. Ang buong akala niya ay nabura na niya ang lahat ng ebidensya nang pagbabago niya sa report ni Klaire. Paano nalaman ni Miguel na kinuha niya ang pera?
“Gusto mo ba talaga akong pahiyain, Kira? Sirain ang reputasyon ko? Sagot!”
Halos manginig ang katawan ni Kira sa malakas na sigaw ni Miguel. Sa tagal nilang magkakilala, ngayon lang niya nakita si Miguel na ganito kagalit.
Minahal niya si Miguel hindi lang dahil sa inggit kay Klaire–kundi dahil rin sa pagiging maalaga nito sa lahat, pati sa kanya.
Paano nagbago ang lalaking ito?
‘Hindi. Si Klaire ang nagkamali, hindi ako! Galit si Miguel dahil niloko siya ni Klaire!‘ Pagtatanggi niya sa kanyang kasalanan.
“Ano’ng sinasabi mo? Bakit ko naman nanakawin ang pondo ng sarili kong project? Ni–report ko lang naman na nagkamali si Ate Klaire sa report niya.”
“Wag kang magsinungaling, Kira! Inaakusahan mo pa ang ibang tao!”
“Hindi ako nagsisinungaling.” Nag–uumapaw na ang luha niya. “Alam mo namang wala na siyang pera ngayon. Baka kailangan niya talaga ng pera para maka–survive sa buhay!”
Parang binundol ang puso ni Miguel nang makita ang mga luha nito. Hindi niya kayang makakita ng kahit sinong umiiyak sa harap niya.
Pero mali pa rin si Kira, Dahil sa kagagawan nito, kailangan niyang bayaran ang lahat ng pera na ninakaw nito.
“Enough.” Bumaba ang boses ni Miguel. “Pinalitan ko na lahat ng ninakaw mo sa pondo.”
“Ano?!” napasigaw si Kira. “Bakit mo pinalitan? Hindi ko kinuha ‘yun! Asawa mo ako, bakit mas naniniwala ka pa sa sinasabi iba? Si Ate Klaire ba ang nagsabi sa’yo nito?”
“Tama na! Inimbestigahan mismo ng assistant ni Uncle Rage ang lahat ng binago mong data sa report!”
Napasinghap si Kira sa nalaman. ‘Alam na ni Tito Rage? Hindi pwede ‘to! Ni hindi dapat nalaman ni Miguel kung
1/2
Kabanata 56
+25 BONUS
ano ang nangyari. Ayokong mawala siya!‘
“Si… Chris? Hindi ako makapaniwala… bakit ba nila ako sinisiraan ni Ate Klaire?” Nagpanggap siyang inaapi.
“What do you mean?”
“Nag–date lang naman si Ate Klaire kasama si Chris… sigurado akong pinagplanuhan nila ‘to para siraan ako!” determinadong pagsisinungaling pa ni Kira.
Siniwalat ni Kira ang lahat ng nangyari nang magtanghalian sila sa restaurant na pagmamay–ari ng mga De Silva. Syempre, dinagdagan niya ng mga eksena para lalong magalit si Miguel kay Klaire.
Dahil madaling mapaniwala sa magagandang salita, ay mabilis na nakumbinsi si Miguel ng asawa. Dahil doon ay iminungkahi pa niya na puntahan nilang mag–asawa si Rage para makapagpaliwanag.
Sa oras na iyon, naroon din si Klaire sa opisina ni Rage. Labis ang pagtataka niya nang makita ang pamumula ng mukha at mga mata ni Kira, halatang kagagaling lang sa pag–iyak.
‘Nag–away ba sila? Bakit ang tense ng aura nila?‘
Napagdesisyunan ni Klaire na iwan muna ang mga ito at lumabas ng opisina. Napansin niya ang tingin sa kanya ni Miguel, na hindi tulad ng dati, ay may bahid na ngayon ng galit habang pinapanood siyang umalis.
Hindi naman inasahan ni Miguel na magiging malupit si Klaire sa kapatid niya. At higit pa roon, ang dali pala nitong lumandi sa ibang lalaki! Nawala na ang dating Klaire na kilala niya. Wala na ang babaeng napaka tahimik at inosente na minahal niya!
“What else do we need to talk about? Hindi ba’t tapos na ang pag–uusap natin? Marami pa akong gagawin,” inis na sabi ni Rage dahil inaagaw na ng dalawa ang oras niya na dapat ay para lang kay Klaire.
“Uncle, pinaliwanag sa akin ni Kira ang lahat. May malaking pagkakamali rito,” mariing sabi ni Miguel.
Muli, inulit ni Kira ang kanyang kwento tungkol sa “relasyon” nina Klaire at Chris, at ang pagtanggi niya sa pagnanakaw ng dalawang bilyong pondo. Hindi lang si Klaire ang target niyang mapatalsik–pati si Chris, na binastos siya!
“So you’re saying that Klaire and Chris planned it to slander you? Dahil nagde–date sila?” HIndi makapaniwala si Rage sa kwento nito.
“Opo, Tito. Kanina po, kumain sila sa restaurant na pagmamay–ari natin at gumastos nang malaki. Sigurado po ako, pera ng kumpanya ang ginamit nila.”
Sarkastikong napangiti si Rage. Sa totoo lang, naiinis siya sa mga walang kwenta at punto ng kasinungalingang mga sinasabi ng babaeng ito.
“Alright.I’ll punish them later. Makakaalis na kayo.” 1
Natuwa naman ang kalooban ni Kira sa narinig. Sa wakas, mapupuksa din niya ang dalawang ‘yon!

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)