Mula sa bintana ng kotse, tanaw ni Kira kung paano pagalitan ni Rage sina Klaire at Chris sa parking lot. Sa mukha pa lang nito, kitang–kita na ang poot.
Nakahinga nang maluwag si Kira dahil sa wakas, ang malaking tinik na sumisira ng kaligayahan niya ay mawawala na sa kanyang buhay.
“I’m sorry kung inakusahan kita,” mahinang wika ni Miguel, nagsisisi ang boses.
Napakasaya niya ngayon. Una ay ang dalawang bilyon na nakuha niya sa kumpanya nang hindi nahuhuli, ‘tapos ay mawawala na si Klaire sa buhay niya, at ngayon… nag–sorry sa kanya si Miguel na siyang pinakahinihintay niya simula kahapon. (1
“It’s okay. Wala kang kasalanan. Natural lang na mas pinaniwalaan mo si Ate Klaire kaysa sa akin,” kunwari’y malungkot niyang sagot. Ayaw niyang magmukhang excited at masaya.
“Don’t talk like that, Kira.”
)) –
Matagal nang pinag–aralan ni Kira kung paano kumilos si Klaire kay Miguel. Para makuha ang atensyon ng asawa, gagayahin niya ang mga bagay na ginagawa noon ng stepsister niya. Handa siyang magpanggap habang buhay para lang mahalin siya ni Miguel.
“Pero… hindi ko pa rin kayang gampanan ang tungkulin ko sa iyo bilang asawa. Tinuturing kitang kapatid,” dagdag ni Miguel pagkatapos ng katahimikan.
Masakit ang mga salita ni Miguel, pero pansamantala, sapat na ito para kay Kira. Kahit papaano, galit na si Miguel kay Klaire at naniniwala na ito sa kanya.
“Okay lang. Mahaba pa ang panahon natin. Mag–aadjust din tayo sa isa’t isa.”
Habang sinasabi ito ni Kira, nakatingin si Miguel sa side mirror, ang mga mata ay nakatuon kay Klaire. Gaano man katindi ang galit niya, mahirap kalimutan ang babaeng naging reyna ng puso niya sa loob ng maraming
taon.
Samantala, si Klaire ay nakayuko katabi si Chris habang pinapagalitan ni Rage.
“Next time, huwag kang magdadala ng iba kapag kasama mo ang asawa ko.”
“Pasensya na po sa pagkakamali ko, sir.”
Sumakay na si Rage sa kotse, kasunod si Klaire. Magalang na yumuko si Chris hanggang sa mawala na sa paningin nito ang kotseng lulan ang mga boss.
“Alam mo ba ang sinabi sa akin ni Kira kanina? You and Chris are dating! You two are dating!”
Nagpapalting na yata ang tenga ni Klaire. Paano ba naman’y paulit–ulit na niya itong naririnig kay Rage. Palagi na lang nitong binibring up ‘yon!
At sa makasampu na niyang pag–ulit, sinabi niya, “Hindi ko na nga uulitin.”
Napangiwi si Rage sa sobrang inis. “Do you have a problem with your stepsister?”
1/2
Kabanata 57
+25 BONUS
“Wala…” mabilis na sagot ni Klaire.
“Baka hindi mo napapansin, pero kitang–kita sa mga mata niyang ayaw niya sa’yo,” anito. “If it weren’t for you, I would have decided to end my cooperation with someone as incompetent as her. Dapat magpasalamat ka at pinalampas ko siya.”
“Salamat…” sinunod agad ni Klaire ang nais ng asawa dahil gusto na niyang matapos na ang usapan. Kahit hindi niya alam kung bakit siya magpapasalamat para sa isang stepsister na laging problema ang dala sa buhay niya.
Hindi na nagsalita pa si Rage dahilan para makapag–isip–isip siya. May isang bagay ang gumugulo sa isip ni Klaire…
Ayaw nga ba talaga sa kanya ni Kira?
Kahit si Charlie, pareho nang napansin kagaya ni Rage. Sa totoo lang, naramdaman din niya na ayaw sa kanya ng kapatid niya.
Pero gano’n na lang ba ang pagkaaayaw nito sa kanya na talagang inakasuhan siya nito ng pagnanakaw?
“Didn’t you hear me?” iritadong tanong ni Rage.
“Narinig kita.”
“Sige, ulitin mo lahat ng sinabi ko,” utos nito.
Hindi niya alam! Wala talaga siyang narinig dahil abala ang isip niya kay Kira.
“Right, you didn’t hear me,” nagtatampong wika ni Rage.
“Pasensya na… Rage…”
Napapangiti naman si Kanor mula sa driver’s seat. Alam na niya kung bakit nagbago ang ugali ng amo niya. Dahil pala sa napakagandang asawa nito na nasa tabi nito.
Pagdating sa mansyon, sinalubong sila ng kanyang mother–in–law kasama ang isang kilalang fashion designer sa bansa–si Demi, na agad siyang binati bago sila tumungo sa isang silid para magsimula na sukatan ang katawan niya at tumingin ng mga wedding dress designs sa gaganaping engranding wedding party nila ni Rage.
2/2

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)