Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 59

Nang makauwi si Miguel, hindi mapakali ang kanyang damdamin sa tuwing naaalala ang naging usapan nila ng kanyang Uncle Rage. Totoong nagkasala si Klaire, ngunit sa kabila niyon, nakaramdam si Miguel ng kaunting awa nang makita ang dalaga na hinaharap ang mga problema nito.

Paulitulit niyang sinasabi sa sarili na dapat ay kalimutan na niya ang babaeng nagtaksil sa kanya. Pero sa tuwing pilit niyang itinataboy ang anino ni Klaire sa kanyang alaala, lalo lamang niya itong iniisip.

Tama na, Miguel! May asawa ka na! At si Klaire, maraming lalaking na ang nagpapasaya sa kanya! Huwag kang magpakatanga!

May problema ba, Miguel?marahang tanong ni Kira habang inaalis ang dyaket ni Miguel. Nang mapansin ang mataman niyang titig sa kanya, sinubukan niya ulit itong akitin.

Ngunit mabilis na hinila ni Miguel ang kanyang dyaket at sinuot itong muli. May trabaho pa ako. Huwag mo na akong hintayin. Baka gabihin ako sa paguwi.

Noong una’y balak sana ni Miguel na samahan si Kira dahil sa guilt na nararamdaman dala ng mga akusasyon niya sa asawa. Pero sa tuwing nakikita niya si Kira, si Klaire ang bumabalik sa kanyang isipan.

Ayaw ni Miguel na lapitan si Kira nang hindi pa rin maayos ang kanyang damdamin at nakalimot sa nakaraan. Ayaw niyang lalong saktan ang babae sa pagpapanggap na mahal niya ito kahit hindi naman.

Kaya naman animo’y itinutulak ng kanyang konsensya, dumeretso ang kotse ni Miguel sa mansyon ng mga De

Silva.

Nang makarating sa gate, napabuntonghininga siya’t bumulong sa sarili, Bakit ba ako narito?

Binuksan ng guwardiya ang gate para sa kanya. Wala nang nagawa si Miguel kundi ang pumasok, tutal naroon na rin lang siya. At least, makukumusta niya man lang ang kanyang lolo at lola.

At kung makakasalubong niya ang tiyuhin, balak ni Miguel na hikayatin ito na huwag nang tanggalin si Klaire sa trabaho. Hindi na rin niya babawiin ang perang nawaldas sa project ng asawa.

Nangako si Miguel sa sarili na hindi na makikialam sa buhay ni Klaire pagkatapos nito. Ang huling maibibigay na lang niya sa babae ay ang matulungan itong manatili sa kumpanya ng mga De Silva.

Ngunit sa sandaling balak na niyang kausapin ang tiyuhin, biglang bumungad sa harapan niya si KlaireNakasuot ng manipis at revealing na damit sa mismong kwarto ng kanyang Uncle Rage!

Biglang bumalik sa alaala ni Miguel ang mga larawang nakita niya kung saan pumasok si Klaire sa isang kwarto sa hotel kasama ang isang lalaki. At ang sinabi ni Kira tungkol sa pakikipaglandian ni Klaire sa personal assistant ng kanyang Uncle,

Iaalay ba ngayon ni Klaire ang sarili kay Rage para lang hindi siya matanggal sa trabaho?

Ano pa ba ang maaaring dahilan? Hindi naman pwedeng dito ginagawa ni Klaire ang trabaho na dapat ay sa opisina nito ginagawaat sa suot nitong damit?

Wala nang ibang sagot sa mga katanungan ni Miguel sa isipan. Kaya’t biglang naningkit ang kanyang mga mata.

1/2

Kabanata 59

+25 BONUS

Hindi ka ba natututo sa dinanas mo sa pamilya mo?mariing tanong ni Miguel.

Aano ang ibig mong sabihin?nauutal na sagot ni Klaire.

Umiiling si Miguel nang hindi makapaniwala. Si Rage De Silva ay uncle ko, Klaire. Sumusobra ka na! Pwede mo akong ipagpalit sa kahit sinong lalaki riyan, pero bakit ang uncle ko pa? Wala ka na ba talagang hiya ha?!

Natigilan si Klaire, parang nawalan ng lakas sa kanyang katawan. Alam na ba ni Miguel ang tungkol sa pagpapakasal niya kay Rage? Ano na ang gagawin niya ngayon? Ano ang sasabihin niya sa lalaki?

Pinagsisihan ko na ikaw pa rin ang iniisip ko!patuloy ni Miguel sa matigas na nitong boses. Balak ko pa sanang kausapin ang Uncle ko para hindi ka matanggal sa trabaho, kahit na winaldas mo ang pondo para sa proyekto ng asawa ko. Pero hindi ko inakalana ganito ka na lang kacheap na babae. Kaya mong gamitin ang katawan mo para lang manatili sa isang kumpanya. Napakadumi mong babae, Klaire

Maruming babae? Talaga bang ganito na lang kababa ang tingin sa kanya ni Miguel?

Kahit desidido na si Klaire na matutong mahalin si Rage nang buo, hindi maikakaila na may puwang pa rin sa kanyang damdamin para kay Miguel. Kaya nang marinig ang matatalim na salitang binitiwan ni Miguel, parang kutsilyong bumaon sa kanyang dibdib ang sakit. Hindi niya namalayan na bumagsak na ang mga luha sa kanyang mga pisngi.

Mabuti na lang talaga na nakipaghiwalay ako sa’yo!matigas na wika ni Miguel bago tuluyang tumalikod. Kung tayo ang nagkatuluyan, baka lahat ng lalaki sa pamilya ko ay nilandi mo na rin.

Nanginig ang mga tuhod ni Klaire at napaluhod siya sa sahig. Walang tigil ang luha sa kanyang mga mata. Ang mga lalaking minsan niyang minahal nang lubos, ang Papa niya at si Miguel, pareho ang naging hatol sa kanya. Parang nahahati sa dalawa ang puso niya sa sobrang sakit

Inabot ng kamay niya ang kanyang dibdib at paulitulit itong hinampas sa matinding sakit na nararamdaman.

Bakit kailangan pa niyang makitang muli si Miguelkung tatapakan lang nito ang dangal niya? (1

Katulad rin pala si Miguel ng kanyang ama. Ayaw din nitong makinig sa paliwanag ni niya, ni hindi man lang nagbigay ng pagkakataong makapagsalita siya. Doon niya tuluyang napatunayan na ang dalawang lalaking minsan niyang minahal ay hindi kailanman nakaramdam ng parehong damdamin para sa kanya.

Ilang saglit ang lumipas, lumabas si Rage mula sa banyo. Kaagad siyang tumingin sa kama, umaasang makikitang nakahiga roon si Klaire sa para akitin siya. Subalitwala si Klaire doon

2/2

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)