Ginala ni Rage ang mga mata sa buong kwarto, hanggang sa huminto ang kanyang paningin sa nakabukas na pintuan. Naroon si Klaire, nakaluhod sa sahig, humihikbi at nanginginig ang katawan.
Nagmamadaling lumapit si Rage sa asawa. Natatakot na muling sumakit ang tiyan ng asawa, at may masamang mangyari sa dinadala nito.
“Anong nangyayari?” marahang tanong ni Rage habang inaalalayan ang asawa upang makatayo at iginiya ito sa kama. “Saan masakit? Sandali… tatawag ako ng doktor.”
Hindi kumibo si Klaire. Kaya’t dali–daling tinawagan ni Rage si Doc Alfy.
Habang kausap ang doktor sa telepono, nakatitig si Klaire sa mukha ni Rage–sa mukha ng lalaki na bakas ang matinding pag–aalala. Nakaramdam si Klaire ng munting kaligayahan sa pagmamalasakit ni Rage sa kanya, pero hindi pa rin niya maikakaila na naroon pa rin ang galit niya sa lalaking naging dahilan upang iwanan at yurakan siya ng mga taong minsan niyang minahal.
Nang matapos kausapin ang doktor, umupo si Rage sa harap ni Klaire. Pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi at marahan siyang tinitigan. Nang hindi siya kumibo, banayad na hinaplos ni Rage ang kanyang tiyan.
“Tell me where it hurts. Huwag ka lang umiyak nang umiyak… Hindi ko alam ang gagawin kung ganito ka lang,” mahinahong wika ni Rage. Kita ni Klaire ang kunot sa noo nito, indikasyon na kabado si Rage sa nangyayari sa kanya.
Hanggang sa maramdaman niya ang masuyong paghaplos ng kamay ni Rage sa kanyang likuran upang pakalmahin siya. Parang unti–unting naglaho ang galit sa puso niya dahil sa pag–aalaga sa kanya ni Rage.
Bakit sa tuwing pilit niyang kinamumuhian si Rage ay saka naman bumubuhos ang pagmamalasakit nito sa kanya? Bakit ba sa mga bisig ni Rage ay parang ligtas at payapa ang puso niya?
Lalong bumigat ang damdamin ni Klaire, at humagulgol nang mas matindi. Pinagsusuntok niya at hinampas ang dibdib ng lalaki. Hinayaan lamang ni Rage ang asawa. Alam niyang ang luha ni Klaire ay may dahilan at kailangan itong mailabas nang lubos. 1
Nang dumating si Doc Alfy, mabilis na pinahid ni Klaire ang kanyang luha. Wala siyang kahit anong sinabi at hinayaan ang doktor na i–examine ang lagay niya.
“Wala pong problema, Sir. Pero mas mainam na maipasyal ninyo si Ma’am Klaire paminsan–minsan. Baka po naiinip lang sa loob ng mansyon,” mungkahi ng doktor.
Nakahinga nang maluwag si Rage, hinilamos ang mga palad sa kanyang mukha.
“You can leave us then,” utos ni Rage.
Nang makalabas ang doktor, muling bumaling si Rage kay Klaire.
“Ano ang nangyari? Why are you crying like this? You can tell me everything. Pwede mong sabihin sa akin ang lahat, Klaire. Maaasahan mo ako sa anumang problema… Tumawag ba si Charlie o ang kapatid niya at sinabihan ka nang masama?”
Umiling lamang si Klaire at humiga ng patagilid sa kama. Hinawakan ni Rage ang kanyang balikat at akmang
1/2
Kabanata 60
+25 BONUS
papaharapin siya rito, pero tinabig niya ang kamay nito at mariing ipinikit ang mga mata nang walang kumikibo.
Napabuntonghininga si Rage. “I’ll get you your favorite fruits.”
Hinaplos ni Rage ang buhok niya bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Sa malaking silid sa first floor, ipinatawag ni Rage ang lahat ng mga kasambagay at bodyguards sa mansyon ng mga De Silva. Lahat ng mga ito ay nakayuko, walang ni isang naglakas loob na ibuka ang kanilang mga bibig.
Galit na galit ang mukha ni Rage. Mabagal siyang palakad–lakad sa harap ng mga empleyado habang nakatitig sa lahat ng mga katulong sa unahan, sampu sa kanila ay may mas mataas na posisyon kaysa sa ibang mga katulong.
“Nawala lang ako saglit, iyak na nang iyak ang asawa ko. I will not forgive and let go of anyone who dares to make my wife cry,” malamig ang boses ni Rage.
Huminto si Rage sa harapan ni Alma, ang personal na katulong ni Klaire. Nanginig ang babae sa takot at lalong iniyuko ang ulo upang hindi masilayan ang galit sa mukha ng kanyang amo.
“Alma, what did you do to my wife? Bakit hindi mo siya binantayan ayon sa iniutos sa’yo?” mariing tanong ni
Rage.
Yumuko pa nang mas malalim si Alma. “S–Sorry po, Sir… Pero kayo din po ang nagbigay utos sa amin na lumabas ng kwarto, at huwag hahayaan ang kung sino na dumaan sa harap ng pinto ninyo-”
“Alam ko ‘yon!” putol ni Rage sa kanyang sagot. “Pero hindi ibig sabihin noon ay pababayaan n’yo ang asawa ko!”
“S–Sir… baka po nakausap ni Ma’am Klaire si Sir Miguel,” sabi ng isa sa mga katulong.
Alam ng lahat ng mga katulong sa mansyon na kailangan nilang itago ang kasal nina Rage at Klaire mula sa lahat, pati na rin sa iba pang myembro ng pamilya De Silva.
“Ano?! Pumunta si Miguel dito?!”
“O–Opo… Nakita ko si Sir Miguel na hinahanap po kayo kanina.”
“Ikaw ba ang nagsabi kay Miguel na pumunta sa kwarto ko?” Lumapit si Rage sa katulong na may nakakatakot na tingin.
“Hindi po Sir! Napadaan lang po ako at nakita ko si Sir Miguel nung dumaan ako sa sala.”
Naikuyom ni Rage ang kanyang mga kamao. Bagama’t walang nakakaalam kung saan gumala si Miguel sa mansyon, alam na niya na ang mga luha ni Klaire ay dahil sa kanyang pamangkin.
Umiiyak si Klaire dahil sa ibang lalaki… hindi niya matatanggap ‘yon!
2/2

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)