Kabanata 61
+25 BONUS
Kabanata 61
Pagkabalik sa kwarto, hindi na nag–atubiling magtanong si Rage, “What did he say that made you cry?”
Hinala ni Klaire na alam na ni Rage kung bakit siya umiiyak. Sabi ng lalaki ay kukuha lang ito ng mga prutas pero bumalik ito sa kwarto nang gano’n ang tanong.
‘Alam na ni Rage na kagagaling lang ni Miguel dito.‘
Ayaw na sanang pahabain ni Klaire ang problema. Pero kung hindi niya sasabihin sa asawa ang sinabi ni Miguel, hindi nito malalaman na inakusahan siya ni Miguel na nilalandi ang Uncle nito.
Masisira ang reputasyon ni Rage sa akusasyon na dinala niya ang kanyang sekretarya sa bahay. Isa pa, wala rin namang kwenta ang pagtatago ng mga bagay–bagay sa isang Rage De Silva.
“Akala ni Miguel pumunta ako dito dahil inaakit kita para hindi ako matanggal sa kumpanya ng pamilya niyo.” Muling umalingawngaw sa isipan ni Klaire ang boses ni Miguel, na muling nagpamuo ng mga panibagong mga luha sa mga mata niya. “Hindi pa ba tapos ang problemang ‘to? Bakit naisip ni Miguel na matatanggal ako sa kumpanya mo?”
Lihim na nakahinga ng maluwag si Rage. Hindi pala iniiyakan ni Klaire ang pamangkin niya dahil umaasa pa ito sa pagmamahalan nila. Napaiyak ang asawa niya dahil sa hinala ni Miguel na nilalandi siya ng babae.
Kahit na ramdam niya ang pagiging kalmado ni Klaire habang nagpapaliwanag ito, hindi pa rin niya matatanggap na binastos ni Miguel ang kanyang asawa. Ayaw niya lamang ipakita ang galit sa harap ni Klaire at mag–alala ito. Kakausapin niya si Miguel pagkatapos nito. Hindi nito dapat binabastos ang asawa niya!
“You don’t need to cry just because of this nonsense. I will tell him that I told you to come to finish the office work here,” ani Rage.
Imbes na kumalma si Klaire, mas nalungkot pa siya nang marinig ang mga sinabi ni Rage kahit alam niyang pinapagaan lang nito ang loob niya.
‘Nonsense?‘ Maliit lang ba sa paningin ni Rage ang nararamdaman niya?
“Sinabihan niya ako ng cheap… mababang babae. Hindi iyon nonsense lang para sa akin!” singhal niya sa lalaki nang hindi na makapagpigil.
Tahimik silang nagkatitigan. Matapos makita ang reaksyon ni Rage nang sabihin iyon, napagtanto ni Klaire na mali ang sinabi niya.
Nanigas ang mga ugat sa leeg ni Rage, nagtagis ang mga bagang, at tumalim ang tingin. “What did he say? You’re a cheap woman?”
‘Ano ba ‘tong nasabi ko…‘ naisip ni Klaire at napayuko na lamang.
Hinawakan ni Rage ang baba ni Klaire at itinaas ito para mapagmasdan ito mata sa mata. “Did Miguel really call you a cheap woman?”
“H–Hindi… mali ang nasabi ko…”
Nang mapansin ang kulay hazel na mga mata nito na hindi makatingin nang diretso sa kanya, at ang maliit na
1/2
Kabanata 61
+25 BONUS
labi nitong kumikibot, sigurado si Rage na hindi lang nagkamali ng sinabi ni Klaire.
Sumusobra na si Miguel! Hindi niya matatanggap ang pang–iinsulto nito sa asawa niya! Kahit na sariling pamangkin pa niya ito, tuturuan niya ng leksyon si Miguel!
“May gagawin ako saglit. Sasamahan ka muna ni Alma hanggang sa makauwi ako.” Binitawan ni Rage ang baba ni Klaire, saka tumayo.
Mabilis na hinila ni Klaire ang braso ni Rage. Sa tuwing may problema, alam niyang agad na tatapusin ‘yon ng lalaki.
Hinala niya ay naniniwala pa rin si Rage sa mga una niyang nasabi. Posibleng pupuntahan nito si Miguel ngayon. 1
Hindi maaaring mangyari iyon… Baka may masabi si Rage kay Miguel dahilan para masira din ang marriage nila. Hindi niya hahayaan na makita ni Rage ang pamangkin nito anuman ang mangyari!
“What?” malamig na tanong ni Rage. Sa isip ng lalaki, iisa lang ang dapat niyang gawin, ‘yon ay isara ang bibig ni Miguel gamit ang kanyang kamao.
“S–sir… I–I mean… Rage… asawa ko… Huwag mo akong iwan ngayon,” nanginginig niyang pakiusap.
Napapikit pa si Klaire dahil sa sobrang hiya sa mga salitang lumabas sa bibig niya.
‘Ano ang sinabi ko? Asawa ko? Baliw ka na talaga, Klaire!‘ Kinagat niya ang labi at sa sandaling ‘yon, gusto na lang talaga niyang umalis ang asawa. Paano kung talagang may importante siyang trabaho na aasikasuhin at hindi naman kikitain si Miguel? Ano ba ang ginagawa niya?
Natigilan si Rage sa kinatatayuan. Biglang parang naging blangko ang kanyang isipan, at ang galit sa kanyang dibdib ay parang bula na lang na naglaho. Nang tawagin siya ni Klaire na “asawa,” lahat ng galit niya ay biglang napalitan ng kakaibang kiliti sa dibdib, gumagapang mula sa kanyang puso hanggang sa kanyang sikmura. Isang pamilyar na pakiramdam na matagal na niyang hindi naramdaman. 1
Marahan niyang binitawan ang kamay ni Klaire, saka inupo ang asawa sa gilid ng kama. Nakapikit pa rin ang mga mata ni Klaire, ang mukha’y namumula at nakatutuwang pagmasdan nang matagal.
“Open your eyes,” mahinahong utos niya.
Umiling lang si Klaire at lalo pang ipinikit nang mariin ang mga mata. Makalipas ang ilang sandali, naramdaman niya ang mainit at banayad na dampi ng kung ano sa kanyang mga talukap.

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)