Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 62

+25 BONUS

Marahang hinalikan ni Rage ang mga mata ng babae. Hinaplos ng dalawang palad niya ang mukha ni Klaire, saka marahan itong iniangat upang magdikit ang kanilang mga noo at ang mga ilong.

Call me that again,mahinang bulong ni Rage.

Ramdam ni Klaire ang init ng hininga ni Rage sa kanyang mga labi. Kahit nakapikit ang mga mata, alam niyang ilang saglit na lang ay magdidikit na ang kanilang mga labi.

Pupuntahan ko si Miguel. I will beat his mouth until it bleeds,mariing wika ni Rage.

Mabilis na minulat ni Klaire ang mga mata. Mali siya ng akalasa halip na halikan siya, iniwas ni Rage ang kanyang mukha.

Nagaalala ka ba sa ex mo?tanong ni Rage, mataman ang titig sa kanya.

Hindi ako nagaalala sa kanya,mabilis na sagot ni Klaire. Perohuwag mong saktan si Miguel. Baka maghinala siyahindi pa dapat malaman ng kahit sino ang kasal natin, di ba?

Bahagyang umatras si Rage mula sa kanya, pero nanatiling nakaupo sa kama at hinalukipkip ang mga braso sa dibdib, animo’y malalim ang iniisip.

No way. Ininsulto niya ang asawa ko, ikaw, Klaire De Silva. Parang ako na rin ang ininsulto niya sa ginawa niya,matigas na turan ni Rage. He needs to know that you’re my wife, na dapat ka niyang igalang.

Umiling si Klaire at muling kumapit sa braso ni Rage para pigilan ang balak nito. Hindi puwedeng malaman ng iba ang tungkol sa kasal natin ngayon. Lalo lang gugulo ang lahat kapag ginawa mo yan.

Hindi mo ako mapipigilan, Klaire,wika ni Rage sabay tayo at marahang inalis ang kamay nito sa kanyang

braso.

Malalaking hakbang ang ginawa ni Rage patungong pinto. Nanginig ang katawan ni Klaire sa takot. Kaagad siyang bumangon sa kama at hinabol ito. Sinubukan niyang hawakan muli ang braso nito pero inaalis lamang ni Rage yon.

Hindi ka pwedeng umalis!iritang sabi ni Klaire at niyakap mula sa likuran si Rage.

Napangisi nang bahagya si Rage sa reaksyon ni Klaire. Madali lang pala sa kanya ang paamuin ang asawa para ito mismo ang lumapit sa kanya. Hinawakan niya ang mga kamay nitong nakayakap sa kanya nang mahigpit.

Hindi mo ako bibitawan?tanong ni Rage, kunwari’y hirap makawala sa yakap. (2)

Hindiwag kang aalis,pagmamaktol ni Klaire, takot na kapag nakatapak sa labas si Rage ay magpadala talaga ito sa galit.

Sa isang mabilis na galaw ay nakawala si Rage sa mga bisig ni Klaire. Humarap sa kanya ang lalaki at mataman siyang tinitigan. If you don’t want me to leave, you have to stop me properly, my wife

Wala naman talagang balak si Rage na puntahan si Miguel sa mga sandaling yon. Ang tanging nais lang niya ay pigilan siya ni Klaire at makita kung ano ang gagawin nito.

1/2

Kabanata 62

+25 BONUS

E anong dapat kong gawin?mahinang tanong ni Klaire.

Five minutessabi ni Rage sabay tungo sa kama at humilata roon. Bibigyan kita ng limang minuto para pigilan ako sa pagalis sa kwartong to.

Napatulala si Klaire sa sinabi ni Rage. Paano? At saan siya magsisimula?

Nang makitang parang natuod sa kinatatayuan si Klaire, ngumisi si Rage. Kung hindi mo ako mapipigilan, manghihiram ng mukha sa aso si Miguel at malalaman ng lahat na kasal na tayo bago pa man magpakasal sina Miguel at Kira.1

Parang kumilos nang kusa ang katawan ni Klaire sa narinig. Umakyat ang init sa kanyang mga pisngi nang gumapang siya sa kandungan ni Rage.

Yan lang ba ang kaya mong gawin para mapigilan ako?nangaasar na wika ni Rage nang bumangon ito. Okay, I’ll just go-

Hindi na nakapagsalita nang tuluyan si Rage nang maramdaman ang mga labi ni Klaire sa kanyang mga labi.

Mariing ipinikit ni Klaire ang kanyang mga mata at ikinulong ang mga labi ni Rage sa isang halik. Malakas ang tibok ng puso niya nang mapansing hindi gumaganti si Rage sa halik na iyon. Kinagat niya pa ang ibabang labi nito iginiya ang kanyang dila sa pagitan niyon.

Subalit nanatiling tahimik si Rage sa kanyang halik.

Nang dumilat si Klaire, nakita niyang nakapikit si Rage.

Why did you stop? Gusto mo ba akong umalis?

Sa sandaling yon, alam na ni Klaire na ninanamnam ni Rage ang kanyang halik, kahit hindi ito gumaganti. Pamilyar sa kanya ang mababa at malalim na tinig ni Rage kapag gusto siya nitong angkinin.

Nanginginig ang mga kamay ni Klaire nang simulang kalasin ang mga butones sa polo ni Rage. Balot ng kaba ang puso niya dahil ngayon lang siya nagpakita ng ganito sa asawaat siya pa talaga ang naginitiate!

Peroano ang susunod niyang gagawin?

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)