Ang bagal!
Halos mapailing si Rage sa kanyang isipan nang maramdaman ang mabagal na galaw ni Klaire. Nangungulila na ang katawan niya sa init ng asawa, nanatili siyang mapagpasensya.
“Rage… p–pagod na ‘ko,” mahinang bulong ni Klaire. (1)
Marahan niyang pinunasan ang pawisang noo ng asawa, kahit na malamig sa kanilang kwarto. Marahan niyang tinapik ang sariling dibdib upang doon sumandal ang asawa.
Agad namang bumagsak ang katawan ni Klaire sa matibay na dibdib ni Rage. Malinaw ang pintig ng puso ng lalaki sa kanyang pandinig–mabilis, mas mabilis pa sa galaw ng balakang ni Rage.
Dahil ba iyon sa ginagawa nila? O dahil may nararamdaman siya para sa akin? Mga tanong sa isipan ni Klaire dahil kuryoso siya sa nararamdaman ng lalaki.
Inangat ni Klaire ang ulo upang sulyapan ang mukha ni Rage. Nakapikit ang mga mata nito, bahagyang nakabukas ang mga labi, at may marahang ungol na kumakawala sa bibig nito. Kusang kumilos ang kamay niya at hinaplos ang makinis na buhok at maamong mukha ng kanyang asawa.
Nagmulat ang mga mata ni Rage at saka marahan hinalikan ang palad ni Klaire. Nanatiling nakatitig sa bawat isa ang mga mata nila, tila ba nililiyaban ang init sa pagitan nila.
“Klaire… ang sarap mo talaga,” mahinang usal ni Rage bago muling ipikit ang mga mata at idiin pa ang katawan sa kanya sa bawat banayad na ulos.
Napuno ang kwartong ‘yon ng kanilang mga ungol at paghahabol ng hininga. Mahigpit ang yakap ni Rage sa katawan niya, paulit–ulit nitong hinahalikan ang tuktok ng kanyang ulo, tila ayaw siyag pakawalan.
Hindi pa rin makapaniwala si Klaire na nasa ibabaw lang naman siya ni Rage De Silva… ang pinakamayamang lalaki sa bansa.
Gaano karami na kaya ang mga babaeng humaplos sa matipuno katawan ni Rage? Madalas ba itong umarkila ng mga babae para makasama nang ganito… kagaya ng ibang lalaking kilala niya?
Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa dibdib sa isiping ‘yon. Parang sinasakal ang kanyang dibdib sa tuwing iniisip na may iba pang babae ang nakaupo sa kandungan ng asawa upang paligayahin ito.
Pero sa edad ni Rage, imposibleng hindi pa ito nakahawak ng ibang babae. Mayaman ito. Makukuha nito ang lahat ng gusto.
Paano kung may ibabang babae ito na nabuntis bago sila nagkakilala? Nag–ooverthink lang ba siya?
At isa pa.. bakit kailangang akuin ni Rage ang pagbubuntis niya? Pwede namang bigyan na lamang siya nito ng pera o sinabihan siya na ipalaglag ang bata…
Pero, sa halip, pinakasalan pa siya ni Rage.
Interesado ba si Rage sa kanya?
1/2
Kabanata 63
+25 BONUS
Agad ding iwinaksi ni Klaire ang isiping ‘yon. Imposible ‘yon! Ang habol lang ni Rage sa ngayon ay ang baby sa kanyang sinapupunan at ang katawan niya!
“Anong iniisip mo?” biglang tanong ni Rage. “Si Miguel na naman ba?”
Gusto sanang itanong ni Klaire kung ilang babae na ba ang nakasama ni Rage, pero ang tanging kumawala sa kanyang bibig ay… “Wala… Wala akong iniisip.”
“Kung ganon, bakit ganiyan ka makatitig sa akin? Nagagwapuhan ka sa akin?” nakangising wika ni Rage.
Nag–iwas ng tingin si Klaire sa mukha ng lalaki. Lagi na lang kasi nito sinasabi ‘yon.
“Ah… Mukhang nabitin ka. You take a rest first. Kailangan din nating pangalagaan ang pagbubuntis mo. Alam ko namang gustung–gusto mo ako… pero ‘wag masyadong magpadala sa init, asawa ko.” (1
Sa totoo lang, lahat ng inaakusa ni Rage sa kanya ay ang mismong damdamin nito. Ayaw lang naman nitong aminin ang lahat hangga’t di nanggagaling sa bibig niya.
Kaya paulit–ulit siyang inaasar ni Rage, dahil gusto nitong marinig ang parehong damdamin mula sa kanya.
“Hindi kaya,” sagot naman ni Klaire.
Bahagyang ngumiti si Rage. “Don’t be shy… Kanina ka pa nga nakapatong sa akin at parang inaakit mo talaga ako nang husto.”
Hindi makapaniwala si Klaire sa narinig.
‘Siya ang humiling sa akin na gawin ‘yon!‘ sigaw ng kanyang damdamin.
***
Upang makaiwas sa suspetya mula sa mga empleyado, nagpasya si Klaire na mag–taxi na lamang papunta sa opisina. Samantalang ang kotse ni Rage ay nakabuntot naman sa taxi sa likuran.
Sinabihan na ni Rage ang babae na sumabay sa kanya, pero nagpumilit ito na bumiyahe mag–isa. Nang makarating sa harap ng kumpanya, bumaba si Rage sa kanyang kotse sa mismong tabi ng taxi kung saan nakasakay si Klaire.
“You’ve arrived, Miss Klaire. Sumunod ka sa akin,” matigas ang tono ni Rage.
Tahimik na sumunod si Klaire sa likuran ni Rage. Kahit bumagal ang mga hakbang ni lalaki para masabayan siya, ayaw niyang sabayan ito sa paglalakad. Ilang saglit pa, dumating si Chris at sumabay sa tabi niya sa likuran ni Rage.
Nang makita ‘yon ni Rage, kumulo ang dugo sa kanyang mga ugat. Anong iisipin ng mga tao kapag nakita nilang magkasabay ang asawa niya at si Chris? Parang bumabalik sa alaala niya ang akusasyon ni Miguel.

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)