Kabanata 64
Nang makarating sa top floor kung nasaan ang opisina niya, naroon si Kira at naghihintay nang may malapad na ngiti.
Ang balak ni Kira ay humingi ng paumanhin kay Rage sa nangyari kahapon, at para humingi na rin ng tawad dahil masyado siyang naging kampante sa pagbibigay ng task kay Klaire. Isa pa, gusto niyang makatiyak na wala na ang babaeng ‘yon sa trabaho. Kaya lang, nang makita niyang bumubuntot si Klaire sa likuran ni Rage, parang may bumundol sa kanyang dibdib.
‘Bakit narito pa rin ang babaeng ‘to? Ano ba ang iniisip ni Tito Rage at hindi pa rin tinatanggal sa kumpanya ang magnanakaw na ‘yan?‘ ani Kira sa isipan niya sabay kagat ng ibabang labi.
“Good morning, Tito Rage,” masiglang bati ni Kira.
“What are you doing here so early?” tanong ni Rage nang hindi man lang tinatapunan ng tingin ang asawa ng pamangkin at nilagpasan ito para makapasok sa loob ng opisina.
“Gusto ko lang po mag–good morning muna sa iyo, Tito, bago ako magsimula sa trabaho.” Pilit ang ngiti sa mukha ni Kira. “Nakakagulat lang po, ang bait niyo talaga… Narito pa rin si Miss Klaire sa kabila ng lahat ng mga kapalpakan niya.”
Sa totoo lang, kumukulo na ang dugo ni Kira nang makitang pumasok si Klaire sa opisina ni Rage niya na parang walang nangyari. Alam niyang hindi basta–bastang nagpapatawad si Rage sa mga empleyadong tatanga–tanga. Kaya bakit hindi pa rin tinatanggal si Klaire sa trabaho?
Nagtaas ng kilay si Rage at huminto sa pag–aayos ng mga files nakapatong sa desk, saka matalim na tinitigan ang babae. “Well, she’s a competent secretary.
“Pero paano po ‘yung nangyari kahapon, Tito? Naibalik na ba ni Miss Klaire ang dalawang bilyon na ninakaw niya sa kumpanya?”
Dalawang bilyon na ninakaw sa kumpanya? Matabang na ngumiti si Rage. Hindi niya alam kung ano’ng sumagi sa kokote ni Miguel para pakasalan ang sinungaling na babaeng ‘to.
At kung hindi lang asawa ng pamangkin niya ‘tong si Kira, at hindi rin stepsister ni Klaire, matagal na sana niya itong sinipa palabas ng kumpanya! Wala siyang pakialam kahit pa magaling ito sa pagde–design ng mga alahas.
“Naibalik na.” Matalim na tumitig si Rage sa mukha ni Kira. “She returned the company’s money tenfold.”
“Tenfold?” Nanlaki ang mga mata ni Kira sa narinig. ‘Imposible! Saan makakakuha ang hampaslupa na ‘yon ng twenty billions?!‘
“Bumalik ka na sa opisina mo. Hindi mo na kailangang pumanhik dito araw–araw para salubungin ako. Your station is downstairs, and you still remember what I said yesterday, right?”
“Y–Yes po, Mr. De Silva…” Buong akala ni Kira ay binibiro lamang siya ng lalaki kahapon, pero ngayon ay batid niyang seryoso ang tiyuhin sa binitawang salita. 1
Sa paglipas ng bawat segundo, mas naramdaman ni Kira ang lamig sa mga titig ni Rage sa kanya. Parang ayaw nitong makasama siya, kahit asawa na siya ng pamangkin nitong si Miguel.
1/2
Kabanata 64
+25 BONUS
‘Si Klaire talaga ang may kasalanan nito! Sinisiraan niya ako kay Tito Rage! Napakawalang hiya! Humanda ka talaga, Klaire… tuturuan kita ng leksyon sa pamemeste mo sa buhay ko!‘
“Do you still have something to say?”
“Wala na po. Babalik na ako sa trabaho ko. Pasensiya na sa abala, Mr. De Silva.”
Napangiwi si Kira, umaasa pa ring tatawagin siya ni Rage upang sabihin na mali ang kanyang iniisip. Pero hanggang sa paglabas ng pintuan, ni hindi siya sinulyapan nito.
Ngunit sa totoo lamang, nakasubaybay ang mga mata ni Rage sa bawat galaw ni Kira. Napansin niya ang pagkuyom ng mga kamay nito sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Klaire. At sa pananalita nito, alam niyang may ibang motibo ang babae sa lahat ng ginagawa nito.
May isang bagay ang biglang pumasok sa isipan ni Rage. Paano nalaman ng pamilya ni Klaire ang nangyari noong gabing ‘yon sa hotel dahilan para mapalayas ang babae?
Pinagbura na niya ang lahat ng ebidensya sa hotel sa tulong ni Chris, kaya’t imposibleng malaman ‘yon nang ganon–ganon na lang… maliban kung sinadya talaga ito.
Si Kira ang unang pumasok sa isipan niya. Ang babaeng ‘to ang nagtangkang idiin si Klaire sa pagnanakaw ng pera ng kumpanya, samantalang ito naman talaga ang mismong nagplano at nagnakaw ng dalawang bilyon.
“Chris,” tawag ni Rage sa kanyang tauhan.
Si Chris, na nakatayo sa gilid ng desk ni Rage, ay agad na umupo sa harapan nito nang marinig ang kanyang pangalan.
“Imbistigahan mo ang relasyon ni Klaire at ng babaeng ‘yon. Napansin mo rin ‘yon, ‘di ba? That woman seems to have a hidden agenda towards my wife.”

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)