Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 65

Kabanata 65

Si Charlie Rivas ang unang ipinatawag ni Rage sa opisina upang usisain ang nakaraan nina Klaire at Kira. Alam ni Rage na si Charlie ang pinakamalapit sa asawa, kaya alam nito ang lahat patungkol kay Klaire.

Agad sinabi ni Rage na sa oras ng tanghalian lang dapat dumating si Charlie para hindi sila magabot ni Klaire. Ayaw niyang malaman ni Klaire ang kanyang iniimbestigahan hangga’t hindi malinaw ang lahat.

Sa totoo lang, ayaw ni Charlie makipagharap kay Rage nang hindi kasama si Klaire. Ngunit dumating na lang ang personal assistant nito sa bahay nila at pilit siyang isinama. Kung sino ang may kailangan sa kanya, dapat iyon ang lumapit sa kanya. Pero ano bang magagawa niya kung ayaw umalis ni Chris sa tapat ng bahay nila hangga’t hindi siya sumasama sa opisina ng Rage na yon.

Hanggang ngayon, kumukulo pa rin ang dugo ni Charlie sa galit sa ginawa ni Rage kay Klaire. Oo, naging responsable ang lalaki sa pagpapakasal sa kaibigan niya, pero hindi nito mabubura ang katotohanang pinagsamantalahan nito ang kaibigan niya at hindi yon mabubura bastabasta. Si Rage ang dahilan kung bakit nawala kay Klaire ang pamilya nito, ang mga pangarap nito, at si Miguel!

Para kay Charlie, malas sa buhay ni Klaire ang lalaking nakatitig sa kanya ngayon. Matalim niyang tinitigan ang lalaki. Ano ba’ng kailangan nito sa kanya?

Parang gusto mo akong kumprontahin sa itsura mo, Miss Charlie,matabang na wika ni Rage.

Napasinghap si Charlie. Sinabi ba ni Klaire kay Rage ang sinabi niya sa café noon? Imposible. Hindi ugali ni Klaire ang magsumbong.

Too bad, hindi ko yon magagawa dahil asawa ka na ni Klaire. Kahit anong galit ko sa’yo, hindi ko kayang saktan ang asawa ng kaibigan ko… maliban na lang kung sasaktan mo si Klaire,matapang ngunit may bahid ng takot ang sagot ni Charlie. 1

Good. I like your loyalty to my wife.

Walang kahit anong reaksyon sa mukha ni Rage kaya mas lalong nahirapan si Charlie na basahin ang iniisip ng lalaki. Bakit mo ba gustong makipagkita?

Si Kira LimsonNapansin ni Rage ang pagsimangot ng mukha ni Charlie nang banggitin ang pangalan na yon Anong relasyon ni Klaire sa stepsister niya?

Hindi na nagtaka si Charlie kung bakit alam ni Rage ang tungkol sa pamilya ni Klaire. Kaya yon malaman ng isang Rage De Silva. Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit interesado ang lalaki sa stepsister ni Klaire.

Bakit ka naman curious tungkol sa tusong bruha na yon?matapang na tanong ni Charlie. Nakasanayan na niyang tawagin itong tusong bruhasa harap ni Klaire.

Tusong bruha?Napangiti si Rage sa narinig, lalong tumibay ang hinala nang mapansin ang galit sa mukha ni Charlie nang marinig ang pangalan ni Kira. Parang may galit ka sa kapatid ng bestfriend mo?

Hindi ko naman siya kaibigan. Hindi mo pwedeng iassume na galit ako sa kanya dahil lang ayaw kong makipag -usap sa kanya,sarkastikong sagot ni Charlie na halata ang inis sa mukha.

Well, there was an incident at the office which accused my wife of stealing funds from a collaborative project

1/2

Kabanata 65

with Kira-

+25 BONUS

Si Klaire magnanakaw?!putol ni Charlie sa lalaki. Kilala ko ang bestfriend ko. Mas pipiliin pa niyang magutom kaysa magnakaw ng perang di sa kanya! Ang lintik na na bruha na yon ang may kagagawan niyon. Inggit na inggit siya kay Klaire kaya inaagaw nito ang lahat sa kanyapati ang lalaking mahal ni Klaire-

Biglang tumikom ang bibig ni Charlie. Masyado na siyang maraming nasabi dahil hindi siya makapaniwalang inakusahan ang bestfriend niya nang gano’n. Isa pa, sangkot si Kira sa nangyari!

Tell me, what happened to them, Charlie. Hindi ko matutulungan ang asawa ko kung hindi ko alam ang nangyari.

Bakit hindi mo na lang tanungin si Klaire?pamimilosopong sagot ni Charlie sabay irap ng mga mata.

Ngunit sa kalooban ni Charlie, alam niyang hindinghindi magsasalita nang masama ang kaibigan niya tungkol sa pamilya nito, kahit pa itinakwil ito ng sariling ama.

Kaya naman sinabi ni Charlie sa asawa nito ang lahat. Ang tungkol sa malditang ugali at mga masasamang ginawa ni Kira kay Klaire, pati na rin ang hinala niya sa nangyari sa hotel noong gabing pinalayas si Klaire ng pamilya nito. Walang preno ang kanyang mga salita, sunodsunod at detalyado, para sa kaibigan.

Kung ganon, sino ang nagpadala ng litrato namin ni Klaire kay Miguel?

Wala akong matibay na ebidensya. Pero sigurado ako na si Kira ang may kagagawan niyono kung hindi man, baka ikaw,matapang na wika ni Charlie habang matamang inoobserbahan ang reaksyon ni Rage sa kanyang

sinabi.

Ngunit nanatiling blangko ang mukha ni Rage sa lahat ng sinabi niya.

Alright.Tumango si Rage at saka bumaling kay Chris. Ihatid mo si Miss Charlie sa kanila nang ligtas. Pagkatapos, alamin mo rin kung sino ang nagpadala ng litrato sa Papa ni Klaire.1

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)