“Masusunod, Sir,” sagot ni Chris.
“‘Yun lang ba ang kailangan mo? Nasaan si Klaire? Gusto ko siyang makita,” usisa ni Charlie, hindi batid na kanina pa pinauwi nang maaga ni Rage si Klaire.
“You can meet her at the mansion the day after tomorrow. At… mas makabubuting ‘wag mong sabihin kay Klaire ang lahat ng ‘to.”
Kung gano’n ay may nakaligtaan pa si Rage. May iba palang may hawak ngebidensya. Ngayon lang niya nalaman na may mga litrato sila ni Klaire sa hotel na ipinadala kay Miguel at Theodore Limson.
Lalong tumibay ang hinala niya. Imposibleng nagkataon lang na nakuhanan sila sa hotel nang gabing iyon at saka ipinadala ang mga larawan kay Miguel at Theodore. May kumilos sa likod ng lahat ng ito, may planong gumawa ng gulo.
Isang hindi kilalang numero ang nagpadala ng text message kay Klaire. Isang link lang ang laman na aksidente niyang napindot. Bumungad sa kanya ang isang article sa internet na may makita mga larawan…
BLAG!
Bumagsak ang phone sa kama.
“S–sino ang gumawa nito?”
Huminga nang malalim si Klaire, paulit–ulit, upang kumalma. Nanginginig ang kamay niya nang damputin ang phone na nabitiwan niya.
Nasa article na ‘yon ang mga larawang ipinakita sa kanya ng Papa niya noong malaman nito ang nangyari sa hotel… at higit pa sa mga ‘yon ang nakita niya.
Kailangan niyang sabihin kay Rage na nagkalat ang mga larawan nila sa internet. Maaaring masira ang reputasyon ng asawa niya kapag kumalat ang balita kung sino ang lalaking kasama niya sa sa hotel nang gabing iyon.
Bago pa man matawagan ni Klaire ang lalaki, bumungad na si Rage sa pintuan ng kwarto. Nagmadali si Klaire palapit sa asawa upang tulungang tanggalin ang kanyang kurbata at amerikana.
Tahimik lang si Rage sa kanyang kinatatayuan, ini–enjoy ang pag–aalaga sa kanya ng asawa. “What have you been doing all day?”
Natigilan si Klaire sa pagtatanggal ng kurbata nito, saka kinuha ang kanyang phone para ipakita ang link ng article.
“Tingnan mo ito…” pinakita niya sa lalaki ang link na na–receive mula sa hindi kilalang numero.
Pero biglang natahimik si Klaire nang makitang ‘Page not found‘ ang bumungad sa screen sa tuwing sinusubukan niyang buksan ang link. Kumunot ang kanyang noo, nagtataka habang paulit–ulit itong sinusubukang buksan, pero wala talaga. 1
1/2
Kabanata 66
+25 BONUS
Page not found.
“Have you seen it?” tanong ni Rage, saka tinanggal ang kurbata at inalis ang kanyang amerikana nang makitang natutulala ang asawa sa kanyang harapan.
“A–Alam mo na ba?”
“I’ve told someone to delete all those trash articles. Huwag ka nang mag–alala tungkol doon. I’ll take care of everything. Ang kailangan mo lang gawin ay mag–relax, gastusin ang pera ko, at alagaan ang baby natin,” matapang ngunit banayad ang tono ni Rage nang sabihin ang baby natin‘ sa halip na ‘anak niya lang‘.
Gayunpaman, nanatiling balisa si Klaire. Natatakot siyang may iba pang may masamang balak sa kanila.
“Alam mo ba kung sino ang nagpakalat ng mga litratong ‘yon? Baka… ‘yon din ang gumawa ng comment sa website ng kumpanya mo noon.”
Napabuntonghininga si Rage, saka umupo sa isang sofa, nakabuka ang mga braso sa magkabilang gilid ng upuan. “Imposible ‘yon.”
A
Si Rage mismo ang nag–utos kay Chris na gumawa ng isang pekeng comment sa website para pilitin si Klaire na sumunod sa gusto niya. Pinabura din niya agad iyon matapos mabasa ni Klaire.
“Baka ‘yon din ang gumawa.” Pilit pa ni Klaire, kagat ang kanyang ibabang labi sa labis na pag–aalala.
Napalunok si Rage habang pinapanood ang mapang–akit na galaw ng mga labi ni Klaire. Bigla niyang hinila ang asawa paupo sa kanyang mga hita.
“Don’t bite your lip… ako lang dapat ang gumawa niyan sa’yo,” ani Rage sa mahinang boses, saka marahang hinaplos ang mga labi ni Klaire gamit ang hinlalaki.
Ramdam ni Klaire na gusto siyang angkinin ni Rage. Mabigat ang paghinga nito, ang mga kamay ay hinahaplos ang kanyang baywang. Subalit itinulak niya ang mga kamay nito. Hindi ngayon ang oras para sa init ng katawan. May mas importanteng bagay pa silang dapat ayusin.
“Sigurado akong ikakalat ulit ang mga litratong ‘yon,” nag–aalalang sabi niya.
Marahang hinaplos ni Rage ang kumukunot na noo niya. “Wala kang dapat ipag–alala. I have found the identity of the person who took our photos secretly.”
“Talaga? Sino?” kuryosong tanong ni Klaire. Gusto niyang malaman kung sino ang gumawa nito at ano ang dahilan.
Ngumisi nang nakakaloko si Rage at marahang hinila ang baywang ni Klaire para mapalapit sa kanya. “Sasabihin ko sa’yo… pero pagkatapos mo akong pagbigyan tulad ng ginawa mo kahapon.”
P
Kabanata 67

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)