Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 67

Sigurado naman akong maayos mo to,wika ni Klaire, saka tuluyang lumabas ng kwarto.

Sa totoo lang, gusto talaga niyang malaman kung sino ang lihim na nagkuha sa kanila ng larawan. Ang taong’ yon marahil ang nagdala sa kanya sa kwarto sa hotel.

Imposible para sa kanya ang maglakad nang magisa sa bahaging yon ng hotel, lalo’t galing siya sa bar ang kanyang huling pagkakaalaala. At kahit sinabi ni Charlie na posibleng si Kira ang gumawa nito, hirap pa rin siyang paniwalaan na magagawa yon ng kapatid sa kanya.

Gayunpaman, mas pinili ni Klaire na balewalain ang kuryosidad. Kaysa naman paulitulit siyang mapahiya dahil igigiit na naman ni Rage na patay na patay siya rito Ayaw na niyang muling akitin ang asawa para lang makuha ang gusto.

Nagmadali naman si Rage na habulin si Klaire.

You don’t want to know? Mahalaga to para sa’yo, di ba! You should find out who set you up!

Dismayado si Rage dahil hindi niya nagawang pasunurin si Klaire para akitin siyang muli.

Klaire De Silva!sigaw pa niya, bumibilis ang mga hakbang upang habulin ang asawa.

E di sabihin mo sa akin kung sino. Bakit kailangan laging may kapalit?balik ni Klaire nang hindi lumilingon.

Nothing is free in this world, except the air you breathe!

Binilisan ni Klaire ang lakad. Hindi siya makatakbo dahil sa takot na baka may mangyaring di maganda sa batang nasa sinapupunan niya. Kaya naman hindi nagtagal ay naabutan din siya ni Rage.

You’re getting bolder to defy my orders, huh?

Isinandal ni Rage si Klaire sa pader sa may gilid ng dining room, inilapit ang mukha sa kanya, at parang balewala ang mga dumaraang katulong sa paligid. 1

Ano’ng utos? Di ba inaalok mo lang ako? At pinili ko lang naman na huwag nang malaman kung sino ang gumawa no’n sa atin,matapang na wika ni Klaire.

At saka, ano pa ang halaga niyon? Magasawa na sila ni Rage, at di na mababago o maibabalik pa ang nakaraan.

Saka kahit naman alam ko kung sino, wala akong magagawa para gumanti,dagdag pa niya.

Sinong nagsabi? Asawa ka ni Rage De Silva. Magagawa mo ang kahit ano’ng gusto mo, kahit pa irequest mo na patayin ko ang taong yon, tutuparin ko ang gusto mo sa isang kumpas lang ng daliri ko,mahinang usal ni Rage, pinapanood ang nakatutuksong galaw ng mga labi ni Klaire. Bumalik ka sa kwarto ngayon.

Anong ginagawa mo sa daughterinlaw ko?! Wag mo siyang guluhin, Rage! Kailangan nang magdinner ni Klaire ngayon!bumungad ang matapang na tinig ni Anna mula sa pasilyo, katabi ang asawa nitong si Baltazar.

Ngunit balewala yon kay Rage. Kahit pa ang kanyang mga magulang ay naroon, si Klaire lang ang gusto niyang maangkin ngayon!

1/3

Kabanata 67

+25 BONUS

RRagegutom na ang baby natin,mahinang sambit ni Klaire.

Napakurap ang lalaki at saka siya binitiwan, na para bang bumalik na ito sa wisyo, saka siya iginaya sa dining

room.

Ngayon, alam na ni Klaire kung paano maiiwasan ang mga utos ni Rage. Hindi nito hahayaan na mapaano ang baby sa sinapupunan niyaang sarili niyang laman at dugo. Susundin nito ang lahat ng gusto niya kapag tungkol sa baby!

Ipapamigay na namin ang mga wedding invitations ninyo sa makalawa Nakausap mo na ba si Miguel?tanong ni Baltazar habang naghahapunan.

Bumaling ang tingin ni Rage sa ama, bago ituon ang atensyon sa asawa na abala sa pagkain.

I’ll do it later,sagot ni Rage, kumunot ang noo nang makita na inaalis ni Klaire ang mga gulay sa plato nito.Kailangan mong kainin yan, Mrs. De Silva!

Napabuntonghininga at iling na lang ang mga magulang ni Rage. Kahit sa hapagkainan, nakabantay pa rin ito sa bawat subo ni Klaire.

Kapag ayaw ni Klaire sa gulay ay pagagalitan niya ito. Kapag di pa tapos ang kanyang pagkain, tatakutin ito ni Rage at sesermunan.

Kailan pa naging ganyan ang anak natin na to? Dati, parang ni hindi bumubuka ang bibig kapag di kailangan,nakatawang asik ni Anna sa asawa.

Hayaan mo na, mahal. Nagkakaganyan siya dahil ngayon lang siya naging ama.

Wag masyadong matagal ngumuya!sermon na naman ni Rage, dahilan upang mapatalon ang lahat sa gulat.

Sinadya ni Klaire ang bagalan ang kanyang kilos para lang magbago ang desisyon ni Rage. Hindi na pinilit pa ni Rage ang asawa, pero may ibang plano siya sa kanyang isip.

Nang makarating sila sa kwartó, nakatayo ang lalaki sa harap ni Klaire at parang pader na ayaw umalis sa kanyang puwesto.

Gusto ko nang umupo,pakiusap ni Klaire.

Hindi ka pa tapos sa tungkulin mo bilang asawa ko.

Mr. Rage De Silva, kakakain ko langprotesta ni Klaire.

Hindi yon ang ibig kong sabihin, Mrs. Klaire De Silva.Bahagyang umiling si Rage at ngumiti nang nakakaloko. Lagi mong iniisip ang pumatong sa akin, pero ngayongusto kong maligo, at tungkulin mong asikasuhin ako bilang asawa.

Halos mapanganga si Klaire sa sinabi ni Rage.

Kaya mo namang maligo nang magisa,sambit niya.

Bago kita naging asawa, mga lalaking katulong ang nagpapaligo sa akin. Ngayon, yan na ang tungkulin mo. Hubaran mo na ako at ihanda ang mainit na tubig,seryosong ang tono ni Rage.

2/3

Kabanata 67

Napasimangot si Klaire, mabilis na hinubad ang polo ni Rage at nagtungo sa banyo upang maghanda ng mainit na tubig.

Sumunod sa kanya si Rage, nakatitig sa asawang nakasimangot sa inis. Nang mapuno ang bathtub, bigla itong lumusong doon nang hindi hinuhubad ang pantalon. 1

Anong ginagawa mo?! Bakit ka nagbabad nang nakapantalon?gulat na sigaw ni Klaire. 1

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)