“Then why did your fiancee say that Klaire was a former employee?” Inis na ngumisi si Rage. “Unbelievable. Bastos na, sinungaling pa. Ano ba’ng iniisip ng kapatid ko at gusto kang ipakasal sa mga Limson? Both of them are just equally great liars.”
Hindi nakasagot si Miguel. Bagama’t disappointed sa ginawa ni Klaire, ayaw ibunyag ni Miguel ang kahihiyan nito hangga’t hindi pa tuluyang natatakwil ng pamilya Limson ang ex–fiancee niya.
“Mahabang kwento, Uncle,” tanging sagot ni Miguel.
Hindi na pinilit pa ni Rage si Miguel na tila naguguluhan sa sitwasyon. Bukod pa rito, hindi niya problema ang issue nito sa pamilya ng bago niyang secretary.
Samantala, hindi na mapakali ang isipan ni Klaire matapos malaman na tiyuhin ni Miguel ang kanyang boss! Coincidence lamang ba ang gabing pinagsaluhan nila? O sinadya kaya ito ni Miguel para lang mapigil ang kasal nila?
“Ate… Ate Klaire, okay ka lang?” Hinawakan ni Kira nang marahan ang braso niya. 1
Napabalik sa realidad si Klaire. “O–Oo. A–Ang mabuti pa ay bumalik na tayo. Kanina pa siguro sila naghihingtay.‘
At tama nga ang hinala ni Klaire dahil mukhang inis na inis si Rage sa paghihintay sa kanila pagkabalik nila sa loob ng meeting room.
“My time is precious, Miguel. Sa susunod, present on time,” sabi ni Rage kay Miguel, pero para kay Kira ito malamig na nakatingin.
Kahit hindi niya gusto ang ugali ni Kira, inaprubahan pa rin niya ang proposal nito. Hindi lang dahil magiging asawa ito ng pamangkin niya, kundi dahil may potensyal ang magagandang jewelry designs ni Kira.
“You can come here and check the jewelry–making process yourself,” dagdag pa ni Rage. “Sabihan mo lang si Klaire kung kailangan mo ng tulong.”
“Talaga? Thank you so much!” Masayang sabi ni Kira.
***
Dahil na–approve na ng president ng De Silva Company ang kanyang designs, muling bumisita si Kira sa kumpany nang hindi na kasama si Miguel. Nang makita niyang abala si Klaire sa trabaho, malapad siyang ngumisi at kitang–kita ang pagiging arogante sa kanyang mukha.
Pero nang malapit na siya sa desk ni Klaire, bumalik ang mahinhin at friendly na ekspresyon nito na may halong lungkot.
“Ate…” tawag niya sa stepsister.
Napatigil si Klaire sa pagta–type sa computer. “Umupo ka muna, Kira. Malapit nang dumating si Mr. De Silva.”
“Okay, Ate.”
1/2
Kabanata 9
+25 BONUS
Itinuloy ni Klaire ang trabaho. “Bakit mag–isa ka lang? Hindi ka ba hinatid ni Miguel?” tanong niya nang hindi tinitingnan si Kira.
Kahit simpleng tanong lang ito, iba ito sa pandinig ni Kira. Para bang iniinsulto ni Klaire si Miguel dahil hindi siya hinatid.
Umupo si Kira sa tabi ni Klaire at hinawakan ang kamay nito para tumigil sa pagta–type.
“Gusto ko lang protektahan ang feelings mo. Hindi pa ako nakakapag–sorry nang lubos tungkol dito… Sorry talaga, Ate.” 1
“Bakit ka nagso–sorry ulit?” mahinahong tanong ni Klaire.
“Kasi tuwing nakikita kita, naaalala ko si Miguel. Nagi–guilty lang ako na ako na ang pakakasalan niya… Alam ko naman na matagal mo siyang minahal,” kunwari’y malungkot na sabi ni Kira.
“Hindi mo kailangang mag–sorry o ma–guilty para sa akin. Normal lang ang arranged marriage for business. Alam kong ikaw ang ipapalit sa akin ng mga Bonifacio. Besides, gusto ko lang si Miguel dahil matagal na kaming magkaibigan,” pagsisinungaling ni Klaire.
Mahal na mahal niya si Miguel… higit pa sa isang kaibigan. At buong akala niya, gano’n din ang nararamdaman nito para sa kanya. 1
Inisip niya noon na hindi lang dahil sa negosyo ang pagpapakasal ni Miguel sa kanya. Pero mali siya dahil hindi man lang tumanggi si Miguel na pakasalan si Kira.
Sa kabilang banda, hindi naman matanggap ni Kira ang sinabi ni Klaire. Para bang pinamumukha nito sa kanya na wala talagang feelings si Miguel para sa kanya at pumayag lang dahil sa mga pamilya nila!
Gusto niyang murahin si Klaire, pero pinigilan niya ang sarili. Siyempre, hindi niya ipapakita ang tunay niyang ugali at baka mapaghinalaan siya sa nangyari noong gabing iyon…
“You’re right, Ate.. itong kasal na ‘to sa mga Bonifacio, hindi na maiiwasan ‘to ng pamilya natin. I’m just happy na hindi ka galit sa akin…” Kumuha pa ng tissue si Kira at dahan–dahang pinunasan ang mga mata niyang kunwari’y nagluluha.
“Sana maging masaya kayo ni Miguel,” ani Klaire kahit may kirot sa dibdib.
“Thank you, Ate. A–Alam mo bang sinabi sa akin ni Miguel na may feelings siya para akin, pero natatakot siyang masaktan ka? Nag–promise pa siya sa akin na pasasayahin niya ako kaya ‘wag kang mag–alala, Ate Klaire…‘

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)