Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 10

Tila tinutusok nang milyonmilyong karayom ang puso ni Klaire. Ang mga salitang yonnarinig din niya kay Miguel ang mga yon noon

Parepareho lang ba ang sinasabi ni Miguel sa lahat ng

babae?

Matagal na silang magkakilalapalaging sweet sa kanya ang lalaki. Ano ang lahat ng yon? Peke lamang?

Hindi

Baka sadyang kaibigan lamang ang tingin nito sa kanya. Hindi na sosobra pa doon ang tingin nito sa kanya

MMasaya naman ako na maayos ang lagay mo, Ate. Nakakuha ka rin ng magandang trabaho. Makakatulog na ako nang mahimbing. Halos arawaraw ko na ring pinipilit si Papa na hanapin ka at pauwiin,malumanay na sabi ni Kira.

As you can see, maayos ako. Hindi mo na ako kailangang ipagtanggol o kumbinsihin pa si Papa. Alam mo namang itinakwil na niya ako,matabang na sagot ni Klaire.

Pero, Ate-

((

“At Kira, pwede bang huwag mo akong tawaging ate sa harap ng ibang tao? Ayokong masisi ako ni Papa na kunwari’y pinipilit ko pang maging kapatid mo o anak niya.Bago pa makasagot si Kira, nagpatuloy siya, Sigurado akong gusto mong idiscuss kay Mr. De Silva ang project mo. Hintayin mo na lang siya sa office niya.1

Wala sanang balak si Klaire na paalisin si Kira. Subalit, naririndi siyang marinig ang mga kwento nito patungkol kay Miguel habang nakangiti sa kanya, para bang sinasadya nitong ipamukha ang pagmamahal ng lalaki sa harap niya.

Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ni Charlie na baka si Kira ang nagframe up sa kanya para makuha nito si Miguel. At dahil sa nangyari, mas sumaya si Kira matapos maging fiancee ng lalaki.

Posibleng tama rin ang isang naisip niyabaka nagtulungan sina Kira at Miguel para sirain siya.

Hindi niya maikakaila ang nararamdamang kaunting inggit. Naririndi siyang pakinggan ang love story nina Kira at Miguel.

Sa kabilang banda, dumating na si Rage kasama si Chris,

Mula sa malayo, nakikita ni Rage na kausap ni Kira si Klaire, Nang malapit na siya sa desk ni Klaire, nagmadaling lumapit si Kira sa kanya.

Good morning, Tito! Pumunta po ako para bisitahin ang ating project team,malambing na sabi ni Kira.

Nang makapasok sila sa kanyang opisina, agad niyang tinanong ang babae.

You seem very close to my secretary. Kumusta ang kanyang trabaho noong nagtatrabaho pa siya sa kumpanya ninyo?

Alam na ni Rage na nagsinungaling si Kira nang sabihin nitong kilala lamang niya si Klaire at hindi niya ito kapatid. Gusto niyang subukin kung hanggang kailan magsisinungaling ang babae at kung karapatdapat ba

1/2

Kabanata 10

+25 BONUS

talagang maging asawa ng kanyang pamangkin ang babaeng ito.

Kung sakali, kaya niyang pigilan ang kasal ni Miguel sa babae kung malalaman niyang kasingwalanghiya at sinungaling din ito tulad ng inaakala niya kay Klaire.

Oh, she was good at work, Tito. Pero dahil sa isang pagkakamali niyaNagkunwaring nagaatubili si Kira. . medyo nakakahiya lang, Tito. Nawalan ng saysay lahat ng pinaghirapan niya.

Nakakahiya?kuryosong tanong ni Rage.

Nagsisimula nang hindi magustuhan ni Rage si Kira. Kung kayang sabihin nito ang masasamang bagay tungkol sa sarili nitong kapatid, ano pa kaya kung maging parte na ito ng kanyang pamilya?! 1

What exactly do you mean?tanong ni Rage.

Wala akong karapatang ipagsabi ang kahihiyan ng iba, Uncle,kunwari’y nagmamalasakit na sagot ni Kira. Pero sa totoo lang, gusto niyang pilitin siya ni Rage na magsalita.

I need to know so I can prevent the same thing from happening in my company.Gusto ni Rage na malaman kung talagang kayang itapon ni Kira ang sarili nitong kapatid.

Kasi noong sinamahan ako ni Ms. Klaire para makipagkita sa mga business partners namin, nahuli siyang pumasok sa isang hotel room kasama ang isang lalaki. Kumalat ang issue sa buong kumpanya dahil ang Conrad Hotel ay affiliate company ng mga Limson. Maraming empleyado ng hotel ang nakakita at nagreklamo sa amin na kinabukasan na lumabas si Ms. Klaire sa kuwartong ‘yon,paliwanag ni Kira.

Dalawang katok sa pinto at saka pumasok si Chris. Excuse me, Sir, hinihintay na ho kayo sa production site.

Sasama ka ba sa akin, Uncle?tanong ni Kira kay Rage.

Hindi pinansin ni Rage ang tanong nito. Nakatuon lamang siya sa kanyang iniisip sa sandaling iyon. Nagkibitbalikat si Kira at saka sumunod kay Chris na nagsimula nang lumakad palabas ng opisina.

Wait!

Napahinto sa paglalakad si Kira at saka lumingon. 1

Napakaseryoso ng tingin ni Rage sa babae.

You said Conrad Hotel? When did it happen?tanong ni Rage.

Nanlaki ang mga mata ni Rage nang marinig ang sagot ni Kira.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)