“Three weeks ago po, Uncle, pero hindi ko na matandaan ang eksaktong araw.”
Ang mga salitang ito ni Kira kanina ay patuloy na gumugulo sa isipan ni Rage kaya’t hindi siya makapag- concentrate sa pagbabasa ng mga patung–patong na dokumento sa kanyang desk.
Nasa Conrad Hotel si Klaire kasama ang isang lalaki tatlong linggo na ang nakakaraan… ngunit ang sinabi nito ay ginahasa siya ng ‘di kilalang lalaki at saka pinalayas.
Siya ba ang tinutukoy ni Klaire na lalaki?
Naalala niya rin kung paanong nagulat si Klaire nang makita ang kwintas na tinago niya. Pati kung paano nito sinubukang nakawin ‘yon.
Talaga namang mukhang mamahalin ang kwintas at takaw–nakaw. Pero may iba pang mas mamamahaling mga bagay sa opisina niya na pwedeng manakaw nito… Kaya bakit ang kwintas lang ang pinagdiskitahan ni Klaire? Hindi naman nito mabebenta iyon agad–agad kung wala siyang mapapakitang mga papeles na patunay na siya ang may–ari niyon…
Naalala pa ni Rage nang himatayin si Klaire. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kwintas kahit walang malay, para bang ayaw bitawan ang isang bagay na animo’y pag–aari niya.
Bigla na lamang may mga katok sa kanyang pinto.
“Come in!”
Habang nag–iisip si Rage tungkol sa babae, dumating si Chris na may bagong impormasyon. Umupo ito sa harap ng desk niya.
Inabot ni Chris ang folder sa desk. “Ito po ang nag–book ng room 4306 sa Conrad Hotel nang gabing iyon, sir.”
Mabilis na binuksan ni Rage ang folder. Halos mapunit ang sulok nito sa bilis ng kanyang mga kamay.
Naguluhan siyang bigla. Isang lalaki ang nag–book ng kuwartong ‘yon. Malabo man sa alaala ni Rage ang mukha nito, hindi siya maaaring magkamali na ang lalaking ito ang binugbog niya nang gabing iyon.
“Sinuhulan ko na ng pera ang taong ‘yan, Sir. Pero hindi daw niya napansin na may babae sa kuwarto.”
Napangiwi si Rage. Paano makakapasok ang babae kung ang lalaking nag–book ay dumating kasabay niya nang gabing iyon.
Posibleng random na babae lang mula sa bar ang dinala ng lalaki sa kuwarto. O kaya naman ay nagsisinungaling ito kay Chris.
“Alamin mo ulit kung sino ang may–ari ng kuwintas na ito.” Itinaas ni Rage ang pendant na nakasabit sa kanyang leeg.
“Opo, sir. Isa pa po pala, sir… ito po ang footage ng surveillance camera sa harap ng kuwarto nang gabing iyon. Ibinigay ni Chris ang flash drive.
Tiningnan ni Rage ang maliit na flash drive sa kanyang kamay. Nang makaalis si Chris, pinanood niya ang video. 1
1/4
Kabanata 11
+25 BONUS
“What the fuck is this?” Hindi niya maiwasang mairita dahil malabo ang video. Ni hindi makita ang mga mukha ng mga tao roon.
Paulit–ulit niyang pinapanood ang video. Nakapagtataka dahil tila ba may mga minutong nawawala. Parang may mga laktaw sa oras. Hindi rin makita ang pagpasok ng babae sa kuwarto.
Buti na lang, kitang–kita sa recording ng umaga ang pagtakas ng babae mula sa room 4306 na para bang may hinahabol ito. Nakita lang ni Rage ang likuran at ang suot na damit nito. Hindi makita ang mukha sa video recording.
Nagtagis ang bagang ni Rage habang pinapanood ang naka–pause at pinalaking recording na nagpapakita ng likuran ng babae. Muli, naalala niya si Klaire. Sa hindi malamang dahilan, madalas guluhin ni Klaire ang kanyang mga iniisip. (1
Ang mukha ni Klaire ang laging sumasagi sa isip niya tuwing sinusubukan niyang alalahanin ang babaeng kanyang nakasama nang gabing iyon.
Samantala, sa kabilang opisina, ang babaeng iniisip ni Rage ay abala sa pag–aayos ng budget para sa bagong project ni Kira sa De Silva Company. Biglang naalala ni Klaire si Kira nang makausap ito kanina.
Kitang–kita ang guilt sa mukha ni Kira. Ngunit, ramdam pa rin ni Klaire ang galit sa kanyang kapatid. Humingi lang naman ito ng tawad sa kanya dahil ikakasal ito kay Miguel, pero paano naman ang nangyari noong gabing iyon? Bakit hindi humingi ng tawad si Kira sa pag–iwan sa kanya? Ni hindi man lang ito nabanggit.
Halos mabulunan si Klaire ng iniinom niya nang marinig ang tunog ng telepono sa kanyang mesa.
“Pumunta ka sa opisina ko ngayon din,” utos ni Rage.
Napakagat–labi si Klaire sa inis. Mula nang malaman niyang buntis siya sa anak ng lalaki, madalas siyang mainis nang walang dahilan kay Rage.
Hindi niya inakalang magiging matapang siya kay Rage. Lalo na nang simulan nitong akusahan siya, para bang gusto niyang suntukin ang mukha ng lalaki.
Tulad ngayon, nagdidilim na naman ang mukha ni Rage. Hinanda niya ang sarili na pagalitan ng mapang- akusang presidente.
“Pinatawag niyo po ako?” kalmado niyang tanong.
Itinuro ni Rage ang isang salansan ng dokumento sa desk nito. “Ayusin mo ito!”
Kinuha ni Klaire ang mga dokumento at tahimik na lumabas ng opisina nito pagkatapos.
Lingid sa kaalaman niya ay patuloy naman si Rage sa paghahambing ng likod niya at ng babae na nasa CCTV
video.
Hindi niya alam kung totoong may pagkakahawig kay Klaire ang babaeng iyon, o kung siya lang mismo ang umaasang ang babaeng hinahanap niya ay hindi pala malayo sa kanya. Hindi niya maiwasang maguluhan.
“This is insane,” bulong niya. 1
***
2/4
Kabanata 11
+25 BONUS
Halos himatayin si Klaire sa gulat nang buksan ang ilaw ng kwarto at makita si Charlie na nakaupo sa kama at nakahalukipkip. Nakasimangot ito at halata ang pagkadismaya.
“Charlie naman! Ginulat mo ako. Ano’ng meron? May problema ka ba? Bakit ganyan ang itsura mo?” Sunud- sunod na tanong ni Klaire.
“Maligo ka muna. May importanteng bagay tayong pag–uusapan,” wika ni Charlie nang hindi siya tinitignan.
Biglang kinabahan si Klaire. Hindi pa nagkakaganito sa kanya si Charlie dati.
“Sige…”
Mabilis siyang naligo dahil sa kuryosidad sa sasabihin ni Charlie. Sa tagal na nilang magkaibigan ay maraming beses na siyang tinulungan ni Charlie. Gusto rin niyang makatulong sa kaibigan kung may malaking problema man ito o dinadamdam.
“Ano’ng gusto mong pag–usapan, Cha?” tanong niya habang pinupunasan ng towel ang basang buhok.
Itinuro ni Charlie gamit ang tingin ang isang bagay sa kama. Lumaki ang mga mata ni Klaire, nahulog ang tuwalya sa kamay.
“Sa ‘yo ba ito?” Kunot–noong itinuro ni Charlie ang pregnancy test kit.
“Cha… a–ano kasi…”
“Sino ba talaga ang lalaking kumuha ng pagkabirhen mo, Klaire?!”
Samantala, ang lalaking pinag–uusapan nila ay kasalukuyang nagre–relax sa kanyang apartment at umiinom ng kape. Narinig niya ang pagbukas ng pinto kasabay ang pagpasok ni Chris na may dalang envelope.
“Excuse me, Sir…”
Ngumiti si Rage nang makita ang dala nito. “Have you got it?”
Ibinigay ni Chris sa kanya ang envelope. “Ito lang po ang nakalap ko.”
Binuksan ni Rage ang laman nito. Kumunot ang noo niya nang mabasa ang nakasulat.
“The owner of the necklace is dead?” bulong niya.
Hindi lang iyon ang sumopresa kay Rage. Sa isang papel, nakasulat ang isang pangalan.
“Jasmine Limson?”
“Tama po, sir. Ang may–ari ng kuwintas ay ang unang asawa ni Theodore Limson, ang magiging biyenan ng pamangkin ninyo.”
Biglang lumawak ang ngiti ni Rage.
Ang babaeng hinahanap niya…
Napakalapit lang pala nito sa kanya!
3/4
Kabanata 11
“Kung gayon… si Klaire pala ang babaeng iyon… and she’s pregnant with my child…” 4

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)