Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 12

Nagulat si Chris sa sinabi ng kanyang boss. Ibig niyo bang sabihin, si Miss Klaire Villanueva ang babaeng hinahanap ninyo?

She knows that she’s pregnant with my child and yet, she doesn’t ask me to take responsibility? Ibang klaseano ang pinaplano mo, Klaire?bulong ni Rage.

Hindi niya mapigilang humanga sa ugali ni Klaire. Imbes na magmakaawa para pakasalan siya, nagmakaawa lamang ito na huwag siyang tanggalin sa trabaho. Kung ibang babae ito, paniguradong hihingian siya agad ng responsibilidad. Bakit nga naman magpapakahirap pa kung kaya naman niyang ibigay ang lahat?

Sir, sa tingin ko ay dapat kausapin ninyo si Ms. Klaire. Kung may makaalam na nakabuntis ka ng isang babae, masisira ang reputasyon ninyo. Pwede nating sabihan si Ms. Klaire na ipaabort na lang ang bata. Kapalit niyon, maaari natin siyang bigyan ng malaking halaga-

What did you say?!Halos pumutok ang ugat sa ulo ni Rage sa narinig at pinutol ang pagsasalita ni Chris na ngayo’y nagpapanic. Gusto mong patayin ko ang sarili kong dugo?!

Napayuko si Chris. Ni hindi niya alam na mas pinahahalagahan pa ni Rage ang dinadalang bata ng babaeng yon kaysa sa tanyag na pangalan ng mga De Silva. Kung malaman ito ng mga magulang ni Rage, magiging komplikado ang lahat.

AAno na po ang gagawin ninyo, Sir?Kailangang malaman ni Chris ang susunod na hakbang ni Rage, para hindi siya mahirapan sa mga magulang nito kung sakali mang magkabukingan!

It’s none of your business. Makakaalis ka na.

Alam ni Rage ang nasa isip ni Chris. Masunurin ang personal assistant niya pero mas sinusunod nito ang mga magulang niya para sa kapakanan ng pamilya nila.

And don’t say anything to my parents. Utos ko ito,mariin niyang sabi sa lalaki.

444

Sa kabilang banda, nahihirapan naman si Klaire sa mga tanong ng pamilya Rivas. Bago pa man niya masagot ang tanong ni Charlie, narinig na pala ito ni Lance. Kaya’t buong pamilya ng mga ito na ang nakakaalam ng kanyang pagbubuntis.

Labis ang takot ni Klaire na kamuhian siya ng pamilya ng kaibigan. Higit pa rito, ayaw niyang magalit ang mga magulang ni Charlie dahil mayroon itong kaibigang nabuntis na hindi pa naikakasal…

Pero hindi nangyari ang kinatatakutan niya. Matapos ang mahabang katahimikan habang hinihintay na sabihin niya kung sino ang ama ng pinagbubuntis niya, ang Tita Emily na niya, ina nina Charlie at Lance, ang unang nagsalita.

Wag n’yo nga siyang titigan ng ganyan. Hindi maganda ang pinagdaanan ni Klaire, tapos huhusgahan pa natin siya.Bumaling ito sa kanya. Klaire, hindi mo kailangang sabihin kung sino ang ama kung hindi ka pa handa. Pero alalahanin mo na kailangan naming malaman kung sino ang lalaki na yon para matulungan ka.”

Ito pa ang isang kinatatakutan ni Klairekung makikialam ang pamilya Rivas, baka wasakin ni Rage ang

1/2

Kabanata 12

+25 BONUS

kanilang negosyo. Ayaw niyang mangyari iyon!

Pasensya na po, Tita, hindi ko po masasabi. HHuwag po kayong magalalaaalis na po ako rito kapag nakahanap na ako ng bagong titirhan,mahinang sabi niya.

Si Jaime na padre de pamilya ng mga Rivas na nanahimik kanina ay biglang nagsalita. Hija, hindi yun ang ibig sabihin ng Tita Emily mo. Gusto lang naming tulungan ka. At hindi mo kailangang umalis ng bahay.

Right, hija. Paano namin matitiis na magisa ka lang ngayong alam naming buntis katumigil sandali si Emily at bumuntonghininga. O ganito na lang, kung ayaw mong panagutin ang lalaking yon, pwede ka naming maging daughterinlawmagpapakasal ka kay Lance. Ano sa tingin mo?

Nagulat ang lahat sa narinig. Lahat sila ay nakatuon ang mga mata sa kanyang Tita Emily. Mukhang seryoso ito sa sinabi at kumikislap ang mga mata na parang matagal na niyang gustong sabihin ang bagay na yon. 1

Gulat na gulat si Klaire sa alok sa kanya ng ina ng kaibigan. Sila ni Lancemagpapakasal? Papayag ang pamilya Rivas na maikasal ang anak nila sa isang maruming babaeng gaya niya? 1

Umayos lang naman sa akin,ani Lance at saka nagiwas ng tingin.

That’s a good idea, Mommy! Kapag nangyari yon, magiging real sisters na tayo, Klaire!masayang saad ni Charlie.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)