Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 13

Okay, that’s it. Hindi na natin kailangang hanapin pa o kasuhan ang lalaking yon,sangayon si Jaime. Mas mabuti pang mapangasawa mo si Lance na responsable at mabait.Inuboubo pa ito habang pinupuri ang sariling anak.

Medyo naguluhan si Klaire. Ano ba ang problema ng pamilya ng kaibigan niya? Paano nila natatanggap ang babaeng kagaya niya, at gustong ipakasal pa sa kaisaisang anak na lalaki?

Nalungkot si Klaire sa pagaakalang sinisikap lang ng pamilya Rivas na suportahan siya. Lalo pa’t mukhang napipilitan lang si Lance na sumangayon.

Gayunpaman, labis ang pasasalamat niya sa pamilyang ito. Ni hindi niya namalayan na tumulo na ang kanyang mga luha sa pisngi.

Salamat po sa kabutihan ninyopero ako na po ang bahala sa lahat ng ito,desididong sabi ni Klaire.

Ayaw niyang maging pabigat sa mabubuting taong ito.

Klaire, isipin mo ang anak mo, hindi lang ang sarili mo. Kailangan ng bata ng ama, at handa akong maging ama niya,malumanay ngunit determinado ang sabi ni Lance.

***

Ano ito, Chris?” gulat na tanong ni Klaire nang biglang ilapag ni Chris ang iba’t ibang masustansyang pagkain sa kanyang mesa.

Lunch para sa mga empleyado. Pagkatapos mong ubusin lahat, pupunta ka sa opisina ni Mr. De Silva. Siguraduhin mong uubusin mo ang lahat ng iyan,mahina ngunit mariin na utos ni Chris sa kanya.

Kinain ni Klaire ang ilan sa mga pagkain sa mesa. Pagkatapos, nagmadali siyang pumunta kay Rage.

Sir, hinahanap niyo po ako?tanong ni Klaire matapos siyang papasukin.

Umupo ka.

Sumunod nang maayos si Klaire. Agad na inabot sa kanya ni Rage ang isang makapal na envelope.

Ano po ito, sir?Binuksan ni Klaire ang brown envelope. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang tumpok ng pera sa loob. Para saan po ang perang ito, sir?

Maternity allowance. All of my employees get it when they are pregnant.

Lalong nagulat si Klaire sa narinig. Ang laki naman ng maternity allowance na pinamimigay ng lalaking to! Bukod pa rito, kakasimula pa lang niya sa kumpanya, alı!

Why? Kulang pa ba? Gusto mo rin bang hanapin natin ang lalaking bumuntis sa yo? I can prepare a good lawyer and sue that person,mariing sabi ni Rage.

Nasisiyahan si Rage sa pabagobagong ekspresyon ni Klaire sa bawat salitang binibitawan niya. Dati ay hindi niya ito napapansin. Pero sa mas malapitan na pagtitig, napakaraming ekspresyon ni Klaire ang nakakatuwa para sa kanya.

1/2

Kabanata 13

+25 BONUS

Ang gulat na ekspresyon ni Klaire sa pagtanggap ng pera ay agad na napalitan ng galit nang sabihin ni Rage na tutulungan siya nitong habulin ang lalaking bumuntis sa kanyana walang iba kundi si Rage De Silva rin!

Lalo pa siyang pinilit ni Rage at sinabing panagutin ang lalaki. Sa isip ng lalaki, handanghanda siya na tanggapin ang responsibilidad kung hihingiin lang ni Klaire.

Sa isip naman ni Klaire, bakit hindi na lang mismo ito ang magsabi na akuin ang bata?

Well, hindi gagawin iyon ni Rage. Hindi siya ang lalaking nagmamakaawa sa iba. Si Klaire ang dapat na lumuhod sa kanya.

Hindi na po kailangan, sir. Isa pa, hindi ko na po maalala ang mukha ng lalaking iyon,tanggi ni Klaire.

Nakaramdam ng inis si Rage sa sagot ng babae. Kung sasabihin lang nito na siya ang lalaki, agad niyang sasabihin dito na handa siyang magpakaama. Ngunit hindi man lang siya binigyan ni Klaire ng pagkakataon.

Remember this, Ms. Klaire, ayaw kong may kumakalat na tsismis tungkol sa empleyado ko na sumama sa hindi kilalang lalaki at nagpabuntis.

Tinitigan ni Klaire ang seryosong mga mata ng lalaki habang nakangiti.

Don’t worry po, sir. Magkakaroon na po ng ama ang dinadala ko.

Parang tumigil ang tibok ng puso ni Rage.

Sino ang lalaking aako sa dugo’t laman niya?!

Hindi yon maaari! Hindi siya papayag na may ibang tatawaging Papa ang kanyang anak! Sa kanya lamang ang anak niya!

Are you getting married?malamig na tanong ni Rage.

Ngumiti ulit sa kanya si Klaire. Kumislap ang magagandang nitong mga hazel na mata. ·

Opo, sir. Magpapakasal na po ako sa lalong madaling panahon,sagot ni Klaire na labis na ikagalit ni Rage. 2

2/2

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)