Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 14

Kabanata 14

Get out.

Agad na pinalabas ni Rage si Klaire bago pa man siya makapagsalita nang masama dahil sa matinding galit.

Paano ba naman siya hindi magagalit? Magpapakasal si Klaire sa ibang lalaki, habang pinagbubuntis nito ang kanyang anak!

Hindi niya matanggap ang desisyong iyon ni Klaire. Pero hindi rin niya masabi na siya ang lalaki noong gabingyon. Ang kapal naman ng mukha niya kung yayayain niya itong magpakasal matapos niyang akusahan ito ng magnanakaw at manloloko.

Pero, naniniwala pa rin si Rage na si Klaire ang dapat na lumapit sa kanya. Hindi niya mapigilan ang pagsama ng loob nang malamang magpapakasal na ito.

Magpapakasal… isang salitang malayo sa bokabularyo ng isang Rage De Silva.

Ang lalaking kagaya niya na malapit ng magkuwarenta anyos sa susunod na taon ay hindi na nagiisip ng tungkol sa kasal. Bagama’t patuloy ang Mama niya sa paghahanap ng babaeng mapapangasawa niya, komportable pa rin siya sa pagiging single dahilan para palagi niya itong tanggihan.

Ngunit hindi naman ibig sabihin niyon ay ayaw niyang magpakasal balang araw.

Hindi niya maisip kung ano ang magiging reaksyon ng mga magulang niya kapag nalaman na gusto niyang pakasalan ang isang babaeng masyadong bata para sa kanya. Lalo pa’t hindi sinasadyang nabuntis niya ito.

Kinagat niya ang dila habang hinihintay si Chris. Hindi nagtagal, dumating na ang personal assistant niya.

Alamin mo kung saan nakatira si Klaire ngayon. Pati na rin ang impormasyon tungkol sa magiging asawa nito,

utos ni Rage.

Asawa?Nanlaki ang mga mata ni Chris sa narinig. Magpapakasal si Klaire? Hindi ba’t magandang balita iyon? Hindi na kailangang panagutan ng boss niya ang isang sekretaryang pinalayas at tinakwil ng pamilya!

Malabo ba ang sinabi ko?marahas na tanong ni Rage na ikinatinag ni Chris.

Opo, sir. limbestigahan ko po kaagad,sagot nito.

Ni hindi na niya kinailangan pang hintayin ang report ni Chris sapagkat nakakuha na siya ng sagot nang matapos ang oras ng trabaho. Mula sa bintana ng kanyang mamahaling sasakyan, nakita niya ang isang lalaking nagbukas ng pinto ng sasakyan para kay Klaire.

Matamis ang ngiti ni Klaire sa lalaki. Muling naginit ang ulo ni Rage sa ugali nitong madaling makipagigihan sa mga lalaki.

Sa isang sandali, naisip niyang baka malandi nga si Klaire gaya ng sinabi ni Kira. Pero agad niyang itinaboy ang kaisipang iyon dahil sigurado siya at naaalala niyang siya ang unang nakipagtalik sa babae.

Sundan mo sila,utos niya sa driver.

Nang makita niyang pumasok ang kotse ni Klaire sa isang residence, kinuhaan niya ito ng picture at sinend kay

1/2

Kabanata 14

+25 BONUS

Chris para malaman kung sino ang mayari niyon. Pagkatapos, umalis na siya sa lugar na yon na may malaking katanungan sa isip.

Bakit kasama ng lalaking iyon si Klaire? Siya ba ang magiging future husband nito? Naglilive in na ba sila? Nakipagtalik na rin kaya si Klaire sa punyetang lalaking yon?

Nakaramdam siya nang matinding galit at kaba

Samantala, si Klaire na kakapasok pa lang ng bahay ay lumingon sa pintong isasara na sana ni Lance.

Ano’ng problema, Klaire?tanong nito.

Walafeeling ko lang may sumusunod sa atin.

Sus, imagination mo lang yan. Sabi ni Mommy, madalas maging sensitive ang mga buntis. May kailangan o gusto ka ba ngayon? May gusto bang kainin ang baby mo? Bibili ako kaagad.

Napangiti si Klaire sa alok ni Lance. Ewan niya pero, dapat ba niyang tanggapin ang alok ng pamilya Rivas na pakasalan ito?

Mabuting lalaki at responsable naman si Lance, alam niya iyon. Bukod pa rito, magiging payapa ang buhay niya kung pakakasalan niya ito.

Isang bagay lang ang nagpapakabagabag sa kanya. Itinuring na niyang kapatid si Lance. Magagawa kaya niyang mahalin ito kapag kasal na sila?

Hindi niya alampagiisapan niya pa ito nang maayos.

***

Matindi ang pagaalinlangan ni Chris. Hawak na niya ang impormasyon tungjol kay Klaire at ang ugnayan nito sa pamilya Rivas. 1

Kung ibibigay niya sa boss niya ang impormasyon, maaaring kumilos ito agad para kunin si Klaire. Kapag nangyari yon, paano naman ang mga magulang nito na pálaging naguutos na pangalagaan nila ang reputasyon ng mga De Silva? 1

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)