Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 15

Habang nagiisip, muling tumunog ang cellphone niya. Mga text messages mula sa boss niyang si Rage na may kasamang larawan ng residence ng mga Rivas. Inuutusan siya nitong bilisan ang pagiimbestiga.

Napabuntonghininga si Chris at nagsimulang maglakad. Nasa parking lot na siya ng apartment ni Rage kanina pa. Sa loob lamang ng sampung minuto, narating na niya ang harap ng unit nito.

Nagkataong sabay silang dumating doon.

Bahagyang nagulat si Rage nang makita si Chris. Ngunit agad ding pumasok sa loob.

Sir, hindi ba dapat nating-

Who’s the owner of the house, Chris?agad na putol ni Rage dito. Alam na niya ang sasabihin ni Chris.

Malalim na huminga si Chris at inabot sa kanya ang isang brown envelope nang hubarin niya ang coat niya.

Ang mga sinend niyong larawan ay kapareho sa impormasyon na nakuha ko. Si Miss Klaire Villanueva ay kasalukuyang nakikitira sa bahay ni Jaime Rivas, sir,ulat niya.

Jaime Rivasparang pamilyar ang pangalan nito.

Bumagsak si Rage sa sofa habang nagiisip.

Nakatira ang mga Rivas sa Bulacan. Sila ang mayari ng pinakamalaking rancho at vineyard sa lungsod. Madalas din pong umorder ng wine ang Master at Madame mula sa kanila.

Now I rememberWhat about Klaire’s future husband?tanong ni Rage at pinikit ang mga mata.

Sabi ng informant ko na nakibalita sa mga katulong ng mga Rivas, sinusubukan daw kumbinsihin ni Jaime Rivas si Miss Klaire na magpakasal sa panganay nitong anak na si Lance Rivas.

Ayon sa impormante ko mula sa mga katulong sa Rivas Residence, sinusubukan daw ni Jaime Rivas at ng asawa na ikasal si Miss Klaire sa panganay nilang si Lance Rivas.

Minulat ni Rage ang mga mata at umupo nang tuwid. Sinusubukan? So, they haven’t planned the wedding yet?

Tama popero, Sir-

Enough. Alam ko ang gusto mong sabihin. You’re working for me, not for my parents. Tigilan mo na ang pag- iisip tungkol sa kanila.Isinandal ni Rage ang likod sa sofa. You can go now.

Nang makaalis si Chris, nagtagis ang bagang ni Rage.

Talagang magaling kang manloko, Klaire Limson

***

Kinabukasan, agad na tinawag ni Rage si Klaire pagdating nito sa opisina. Nakasimangot siya sa inis habang naglalakad papunta sa opisina ng kanyang boss.

Masakit ang balakang ni Klaire mula kaninang umaga. Pagod na pagod siya sa paglalakad at gustong umupo na

1/2

Kabanata 15

+25 BONUS

lang buong araw, ngunit ginambala pa siya ni Rage!

Pagkapasok sa opisina nito, agad siyang naupo sa harap nito, kahit na bubuka pa lang ang bibig ni Rage para sabihing umupo siya.

Lihim namang napangiti si Rage sa pagbabago ng ugali ng sekretarya.

Miss Klaire, may narinig akong hindi magandang balita mula sa dati mong kumpanya. You were fired from that company because you spent too much time with men.

Nanlaki ang mga mata ni Klaire at tinitigan ang lalaki. Hindi po yun totoo

Paano siya matatanggal sa trabaho kung hindi pa siya nakapagtrabaho noon? Nagintern lang siya sa kumpanya ng ama sa saglit na panahon.

I don’t care if this news is true or not. Buntis ka ngayon at walang asawa. You are my employee. Gusto ko lang maging malinaw, I don’t want to damage my company’s image just because of one problematic employee.

Sumakit pang lalo ang balakang ni Klaire sa mga paratang ni Rage. Pati ang tiyan niya ay masakit na rin. Inilagay niya roon ang parehong kamay at bahagyang diniin ang mga palad para mabawasan ang hapdi.

Nakita ito ni Rage. Medyo kinabahan siya at ayaw niyang may mangyari sa magiging anak nila.

What’s wrong? Masakit ang tiyan mo?malamig niyang tanong.

Hindiituloy mo lang poano ba ang gusto niyong sabihin?pilit na sagot ni Klaire sa gitna ng nararamdamang sakit.

Habang nakatingin sa tiyan ni Klaire, nagpatuloy si Rage. Para mapangalagaan ang reputasyon ng kumpanya ko, kailangan mong magpakasal bago pa lumaki ang tiyan mo. Otherwise, you have to resign from this

company.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)